Friday, 30 September 2011

Mga Nakakasawa nang mga Creative Shots

Ga-graduate na ang ilan sa mga estudyante ng batch 2008 sa halos lahat ng eskwelahan sa bansa (kasama na ang UP Baguio) at ilans a mga nag-extend. At dahil diyan, normal lamang na bumubuo na ang ilan sa mga eskwelahan ng kani-kaniyang Editorial Board para sa kanilang yearbook. (ipo-post rin itong paragraph na 'to sa katulad na article)

At dahil kasama rin naman sa bawat year book ang inaabangan na CREATIVE SHOT, naglista ako ng ilan sa mga DAPAT IWASAN ng mga estudyante na CREATIVE PICTURE CONCEPTS (in no particular order):

Fairy
Tantanan na natin ang mga fairy. Hindi sila cute. Maaaring cute ang nagbabalak maging fairy subalit tandaan na ang adjective ng pagiging cute ay para lamang sa mga aso ~ at mga figurines, at sa mga mukhang hayop. Paso na rin ang pag-rely sa photoshop kasi hindi naman photoshop ang solusyon sa lahat ng bagay. Kung gagawin ito, siguraduhin naman na bibigyan mo ng hustisya ang image na pinaghirapang gawin ni Tinkerbell.

Princess / Prince
Kung hindi ka pa nakuntento sa childhood fantasies mo, pwede namang sa birthday mo na lang gawin at huwag sa yearbook gawin ang magiging prinsipe o prinsesa - pati pagiging hari o reyna. Tandaan na iilan pa lamang ang nakaka-pull off ng matinong Princess / Prince look. Kung masyado kang komportable sa image mo bilang Prinsipe o prinsesa, think again. Hindi mo kasi alam kung anong pwedeng sabihin ng iba. Minsan rin naman, bigla ka na lang magugulat na mukhang tanga pala 'yung ginawa mo. Pero okay lang rin naman, masarap na napagtatawanan mo rin ang sarili mo kung minsan.

Angel
Hindi ka nakuntento sa Fairy at nagbait-baitan ka pa. Angel. Ang sarap mo sapakin. Kung relihiyoso akong tao, malamang sasabihin kong blasphemous pa ang ginawa mo. Joke lang naman. Wag magalit.

Tribo with incorrect colors / artifacts
Mag-research sa gagawing culture creative pic concept. Hindi ko masasabing creative ito pero sana bibigyan mo ng hustisya ang tribo na ipapakita mo. Icheck at idouble check ang kultura na gagayahin - lalo pa't kung hindi ka naman katulad nila at feel mo lang na creative ka kapag gagawin mo 'yun. Wag maging bastos - kahit hindi mo naman sasadyain - may responsibilidad ka na mag-research. Kahit balak mong maging isang Navi sa Avatar, icheck mo pa rin - para hindi ka magmukhang tanga.

Nude
Wala akong nakikitang creative sa pagsusuot ng wala. 'Yun lang.

Rockstar
Iba ang emo sa pagiging rockstar. Hindi lahat ng rockstar ay may eyeliner at kailangang may gitara o met leather o may metal-metal na nakakabit o nakasuot sa katawan. May rockstar na vocalist lang at wala nang iba. Kung gagaya ng kilalang rockstar, tignan mo 'yung mga signature outfits niya. Tignan rin kung ano 'yung mga poses na kilala siya. Kung gagaya ka rin lang naman, ayusin mo na.

Lover / Loved
Hindi ko alam kung bakit mo babalaking maging lover / loved. 'Yung para bang may hawak kang rosas o bulaklak na kahit ano tapos naka-cocktail dress / outfit ka. Pwede mong gawin 'yun araw-araw. Hindi mo naman 'to first time mag-pa-picture, di ba?

Movie Characters with Lame Outfits
Kailangan ko ba bang mag-explain? Sige na nga. Isang linya lang: Pondohan mo naman 'yung outfit mo.

Same as Actual Talent
Hindi po 'yan creative. Nagyayabang ka lang.

Same as Formal
Seryoso ka? Nasan ang creative 'jan?

Kung nagawa mo na ang ilan o isa sa mga dito, hindi mo na kailangang magsisi. Sana lamang ay papanindigan mo ~ mas importante 'yun. :)

Abangan (O mga naka-cue na ipo-post)

Tatlo lamang ng maaari kong sabihin sa ngayon:

1. Ang mga Tanga at Nagtatanga-Tangahan
2. Mga Regalo Para sa Boyfriend
3. Mga Patok at Nakakasawang Creative Shots para sa Iyong Yearbook ( 2 magkahiwalay na artikulo)

A Nicotine A Day

Kapag wala kang pera, minsan, mapapa-yosi ka na lang talaga.

'Yan yung natutunan ko noong nasa kolehiyo ako sa UP Baguio. Kasi mahirap nga naman ang buhay at wala ka sa posisyong magreklamo dahil estudyante ka pa lang. Ang pwede mo lang gawin ay mag-aral ng mabuti para makakuha ka ng matinong trabaho - nang yumaman ka at makahanap ng super hot na asawa na bibigyan ka ng magaganda at gwapong anak.

Minsan kong nabasa sa facebook na,
Hindi kasalanan ang ipinanganak na mahirap; kasalanan ang mamatay na mahirap pa rin.

Totoo nga naman. . . pero hindi naman ako matalino kaya nauwi ako sa pagyoyosi. Choice ko 'yun. Walang social pressure at kung ano pang kalokohan. Choice ko 'yun. Wag kayong mag-isip ng anu pang dahilan.

Ops. Hanggang dito na lang muna. Saka na 'yung mga yosi experince. Naka-emphasize naman na kasi 'yung gusto kong iparating sa itaas. Mas importante 'yun kesa sa life-sharing.

Pilosopiya at Strike, At kung bakit pang mayaman ang mga Strike.

Nakakatuwang isipin na pareho lamang ang "nature" (dahil hindi ko alam ang Pilipino ng salitang nature) ng Pilospiya at ng Strike. Pareho kasi silang self-destructing.

Bakit?

(Pwede i-skip itong part na 'to) Malamang alam niyo na pero sasabihin ko pa rin. Sa Pilosopiya kasi, yung sariling niyang sagot sa ginawa niyang tanong, gagaguhin pa niya at hahamunin ang sarili niyang tanong sa pamamagitan ng panibago pang problema. Paulit ulit na tanong hangga't napiga na 'yung lahat-lahat -- hanggang hindi naman talaga nasagot pa. Sa madaling salita, sa Pilosopya, problematic kasi kahit anong gawin mong solusyon, gagawan pa ng panibagong problema - na ikaw rin naman kasi ang may kasalanan.

Self-destructive ang mga STRIKE (sa kahit anong paraan e.g. transport, work, etc.) kasi ginagawan mo ng problema ang mas malaking problema. Tignan mo ang PALEA ngayon.

Nagreklamo ang PALEA dahil sa hindi umanong tamang pagtrato ng PAL sa kanilang mga empleyado. Nang nagka-strike, napilitan ng PAL (kanina lang) na hindi na muling makikipag-"negosyo" sa PALEA nang hindi na maulit ang nangyaring pag-disrupt ng mga flights ng mga Pilipino, Turista, at mga Alien. Nalugi ang PAL malamang hanggang sa ngayon sualit mas nalugi ang mga taga-PALEA na sumama sa strike na diumanong nawalan na rin ng trabaho.

Para sakin kasi, importante naman ang mga strike dahil naipaparating nito sa mga kinauukulan (pati na rin sa Media, buong mundo at walang pakialam) ang ilan sa mga isyu ng lipunan. Pero hindi naman kasi pang-middle class ang mga strike.

Kaakibat kasi ng strike ay ang posibilidad na matanggal ka sa trabaho. Handa ka ba sa posibilidad na iyon? Marahil handa ka lamang kasi kung isa ka sa mga sumusunod:
1. Anak ng mayaman; o
2. Nakapag-ipon ng sapat na pera na magtatagal hanggang makahanap ka muli ng trabaho.

Ngayon, kung sasama ka sa isang strike, handa ka ba?

Sa mga estudyanteng nagbabasa nito (naks!), mag-isip ng mabuti kapag nakahanap na ng trabaho ha? :)

Thursday, 29 September 2011

Death of OPM

Simpleng dahilan lang 'yan kung bakit hindi na ganoon kayabong ang ating entertainment industry - lalo na sa larangan pa lamang ng musika: kasi nagiging tamad tayo.

Tapos na ang panahon kung saan ang magagaling nating mga kompositor ay nariyan. Napalitan na ang kanilang hilig sa pagsusulat ng orihinal na magagandang musikang Pilipino sa pagggawa ng jingle ng isang commercial advertisement, jingle ng pulitikong tumatakbo sa pwesto, o theme song ng teledrama na pauulit-ulitin lang 'yung chorus ng ginawang kanta o minsan ay gagawin pang titulo ng pelikula.

Kailangan kasi ng pera ngayon at marami sa mga magagaling na kompositor ay ipinagpapalit ang integridad ng dekalidad na likha sa mabilisang paggawa na malaki ang kita, gaya ng sa jingle. Hindi ko naman syempre sinasabi na hindi dekalidad na musika ang ginagawa ng mga kompositor ngayon. Ang sinasabi ko lang, sana mayroon pa rin na gumagawa ng musika - para sa kapakanan ng pagkakaroon ng magagandang musika. Hindi dahil sa pera.

Tapos na ang panahon ng kasipagan. Tamad na ang marami sa ating mga talentadong Pinoy. Sino ba kasi naman ang gaganahan sa pag-tangkilik ng mga TV programs sa mga International hits. Buti na lamang at may mga gwapo pang bokalista ng mga banda na kinagigiliwan ng mga kababaihan - at mga kabaklaan.

Ang mga kababaihan, at mga homosekswal, ang isa sa malaking populasyon na tumatangkilik sa ating musika. Ang mga lalaki ang nagdo-dominate sa mga banda - na gumagawa ng musika. Pero iilan na lang rin ang gumagawa ng original songs. Puro covers. Puro putanginang covers ng mga gasgas nang mga international songs. Nagmumura ako kasi nakakagalit. Walang point ang pag-cover sa kanta na sumikat na. Gusto kong magpangalan ng mga artist na puro covers lang kaso ayoko makasuhan ng libel.

Death of OPM? Siguro mali ako. Hindi pa patay ang OPM. Pero malapit na. Tignan mo nga naman kasi 'yang iTunes mo, o 'yang mp3 phone mo, o kahit ano pa man. Tignan mo ang ratio ng International Songs sa Local (Original) OPM songs. Wag mong sabihing Nationalist ka. Kasi kung Nationalist ka, tutulong ka sa pagsuporta sa musikang Pilipino na minsan nang nagpatibay ng kulturang Pilipino.

Ang mainsulto, guilty.

UP BAGUIO POST-IT #013

UP BAGUIO POST-IT #023

Harry Potter o Bakit Masayang Maging Extending!

Ang buhay ni Harry Potter, parang buhay sa UP lang – minsan, paabutin mo ang Maximum Residency. Minsan naman, adik-adik ka lang talaga. Tignan natin kung pareho tayo ng nasanasan. Syempre sa UP Baguio ang experience na ‘to:


1. Harry Potter and the Sorcerer’s Stone
- Reluctant ka talaga sa umpisa. Pero amaze na amaze ka nang nakapasok ka na.
- ‘Yung unang semestre feel na feel mo ang pagiging taga-UP. Feel na feel mo ikaw lang ang atensyon ng lahat. Freshie Night. Freshie Orientation. Inter-Freshie. Lahat may “Freshie!” Kulang na lang Freshie Food Sale.
- Ganoon rin naman si Harry Potter – hanggang umeepal na si Draco Malfoy; at syempre naasar ka na nang may mga epal na higher year na nagmamarunong na para bang hindi nila naranasan ‘yung naranasan mo.
- Ramdam mo rin ‘yung hell week at sobra ka kung makapagpost sa Multiply/Facebook/Frienster/Wordpress mo.
- Reklamo ka rin sa dami ng readings!
- Pero fulfilling sa lahat ay nang natapos mo na yung dalawang semestre. Dalawang buwan ulit ng pahinga kasama ang pamilyang inuutusan ka (re: Dursleys).


2. Harry Potter and the Chamber of Secrets
- Marami kang madidiskubreng sikreto sa eskwelahan.
- Malalaman mong Freshie lang talaga ang nagsusuot ng ID nila at naglalakad sa corridor in "packs."
- Matutuwa ka sa kamangmangan nila sa school at nakikisali ka sa pag-loko sa ibang higher classes na ang TBA ay ang building na nasa likod ng HKP.
- Kagaya ni Harry Potter, makakatagpo ka ng kung anu-ano: notebook, bluebook, classcards, ballpen, payong - at iuuwi mo ito kasi ID at Library book lang naman ang ibinabalik sa lost and found. Ang walet kapag nawala, malamang, nadukutan ka na.
- Mararanasan mo rin na magkaroon ng "Ron" na ayos lang na matulog ka sa bahay nila.
- Magkakaroon ka ng kaibigan ng "Hermione" na grade conscious.
- Mapapagalitan ka ng teacher at feeling mo meron ka nang Snape na umaaligid palagi sayo.


3. Harry Potter and the Prisoner of Azkaban
- Hindi ka gaganahang pumasok dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isipan mo.
- Third year ka na kaya nasa border ka ng desisyon kung magtitino ka o hindi. Iisipin mo kasi may isang taon pa naman.
- Kagaya ng Knight Bus, adik ka na rin sa Joyride papunta at pabalik ng Baguio. Minsan gusto mo rin pumunta ng Asin, o ng La Union, para lang magswimming - kasi marami kang pera ng weekend na 'yun.
- May mga kamag-anak ka rin kung minsan na makikilala - o kung hindi man ay schoolmate mo pala, or biglang 'yung kakilala mo nung high school, kakilala na pala ng schoolmate ng kaibigan mo dati. Gaya nga ng nasabi ko, Intersecting Social Circles.
- Death Eaters at Dementors. May mga subjects kang ibabagsak ng hindi mo alam. Malamig rin sa Baguio all of a sudden. Siguro naghahanap ka na ng lovelife - o ng bagong lovelife. Naks!



4. Harry Potter and the Goblet of Fire
- Kumbaga sa Triwizard Cup, ito na 'yung panahon na ipaglalaban mo na pumasa. Kasi 'yung ilan sa kakilala mo, paalis na. Feel na feel mo na cheer ng cheer ang mga tao na umalis ka na sa UP. Kaso malupit ang kapalaran. Nabuhay si He-Who-Must-Not-Be-Named. Nag-inarte ka at tinawag mo niyang Voldemort. Ayan tuloy, may nabagsak ka ulit, o nag-shift, o nag-LOA, o nanganak, at magkikita daw ulit ako ni UP sa susunod na taon.










5. Harry Potter and the Order of the Phoenix
- Nung akala mo na walang-wala ka na. Aba! May ilalaban pa pala! At nariyan pa rin ang ilan sa iyong mga kaibigan para suportahan ka! Sa sobrang mahal nila sa'yo, sinamahan ka nila at mukhang sasamahan ka pa nila sa mga susunod pang mga taon.
- May mag-iinarteng Prinsipe o teacher na magpaparinig na umalis ka na ng UP. Joke-joke lang 'yung tono niya at aaminin niya sayo na joke lang 'yun. Pero sa totoo lang ay totoo naman 'yung sinasabi niya. Under normal circumstances dapat magtatagal ka sa UP ng kung ano man ang required sa course mo. Adik ka kapag 3 and a half ka. Pero minsan, hindi rin naman kailangan pagmadaliin ang graduation. May dalawang taon pa.
- Namatay rin pala si Sirius ng taon na ito. Ganoon rin, may ilang batchmates kang mawawala bigla. Hindi na nakayanan ang UP o ang pagtaas ng tuition nito. Joke lang sa admin na makakabasa. :)

6. Harry Potter and the Half-Blood Prince
- Kagaya ni Albus Dumbledore at Harry Potter, mag-flashback ka rin sa mga ginawa mo sa buhay mo na mali at kung ano ang tama. Mag-hanap ng clues para malaman kung ano ang gustong ipaalam sayo ng UP. May iba na ang maiintindihan nila ay dapat sumuko na sila sa pag-aaral sa UP; May iba naman na sasabihin na kaya pa, last chance na nga naman kasi ang next year kung pumalpak pa 'tong taon na 'to.
- Papalpak nag dahil mawawala si Dumbledore - o kung sino man na kaibigan mo dahil a) tinanggal siya ng isang Snape (teacher), b) kinakailangan na niya ring magtrabaho, c) nag-MIA sayo ang gago.








7. Harry Potter and the Deathly Hallows
- Deathly Hallows indeed! Kasi kung hindi ka magtitino, kung hindi mo aayusin ang buhay mo - ikaw ang patay sa magulang mo.
- Alam na ninyo naman 'to. Syempre, hindi ka magpapatalo. Ikaw pa. Pumasa ka ng UPCAT eh. Panindigan mo naman. Naks!













IKAW? Hanggang saan ka'ng libro ni J.K. Rowling nang nakapagtapos?
(salamat pala sa google.com // hindi ko na mahanap ang source ng bawat litrato. sana hindi ako makasuhan ng plagiarism)

Wednesday, 28 September 2011

Intersecting Social Circles

Mas padaliin natin ang usapan. Ibahin natin ang nakasanayang format.

1 – Ang artikulong ito ay papangalanang “Intersecting Social Circles.”
2 – Ang artikulong ito ay sasakop lamang sa mga estudyante at ilang piliping guro ng UP Baguio.
3.1 – Ang termingong “Social Circle” ay tumutukoy sa mga kaibigan, kakilala, naging-katipan o kahit ano pang may kinalaman na termino, ng isang estudyante.
3.2 – Ang ilan sa mga madalas na mga “Social Circles” ay: (a) blockmates, (b) batchmates, (c) classmates, (d) kaaway, (e) orgmates, (d) brod o sis sa fraternity o sorority, (e) political party-mates, (f) housemates, (g) co-collegemates, (h) ka-banda, (i) ka-building, (j) exboyfriends o exgirlfriends, (k) manliligaw; at (l) kapitbahay.
4.1 – Ang artikulong ito ay nagsasaad, sa kabuuan, na ang mga Social Circles ng mga estudyante o guro sa UP Baguio ay halos magkaka-kilala o “intersecting.”
4.2 – Ang ibig sabihin ng “intersecting” ay ilan sa mga sumusunod:
4.2.a – Ang dating maninigaw ay siya nang nanliligaw sa kapitbahay ng dating kaaway.
4.2.b – Ang karamihan ng batchmates ng isang estudyante ay siya nang kaaway ng isang fraternity. Habang ang fraternity ay kaibigan ng nasabing estudyante dahil sa koneksyon nito sa magkaparehong kanilang political party.
4.2.c – Ang kapitbahay ng isang estudyante ay blockmates ng kaaway ng nasabing estudyante.
5 – Ang pagkakaroon ng Intersecting Social Circles ay hindi masama.
6 – Ang pagkakaroon ng Intsersecting Social Circles ay pruweba lamang “maliit ang mundo” ng mga guro at estudyante – lalo na kung ang guro ay dating estudyante ng UP Baguio.
7 – Ang Intersecting Social Circles rin ay isang clue ng mga ilang estudyante sa tuwing may chismis sa UP Baguio.
8 – Ang isang masama sa mga Intersecting Social Circles ay dahil kapag naipit ka sa gitna ng nag-aaway mong Social Circles.
8.a – Hindi obligado ang isang indibidwal na ayusin ang away sa pagitan ng dalawang kinabibilangan – na nag-aaway – na Social Circles.

Okay. Balik na ko sa aking ginagawa.
(tinapos ng 9:38pm kagabi, subalit hindi nai-post dahil pinutol ni Pedring ang matino ko na internet connection)

Bagong Layout

Dahil napansin ko na mayroon na ring mga estudyanteng naglalabas-pasok ngayong araw sa building namin, isa lang ang ibig sabihin nito: May pasok na ulit!

At tama lamang na bigyan natin ng bagong layout ang blog na ito. Oha! Nakikisabay ako sa uso. (Walang connection pero gets niyo na 'yun. Gusto ko lang lagyan ng dahilan ang bagong layout.)

Tuesday, 27 September 2011

Adik ka rin, Pedring!

Nag-anunsiyo sa buong Baguio, kasama na siyempre sa UP Baguio na walang pasok sa kolehiyo. Ang update, at ilang detalye, sa ngayon (5:04pm) kay Pedring?

1. Typhoon Nesat ang international name ni Pedring.
2. Walang biyahe / kanselado ang PAL flights hanggang mamayang 6:00pm.
3. Hindi bababa sa 22 tao ang namatay na.
5. Category 3 Typhoon si Pedring (average na 200kph) nang tumama ito sa Pilipinas.
6. Nasa lebel na ng Code White ang mga ospital sa NCR at sa iba pang apektadong lugar. Ang code white ay nangangahulugang kinakailangan nang handa ang mga emergency rooms ng mga ospital - kasama na rito ang mga kinakailangang gamit, doktor, at mga nurse.
7. Inaasahan na magkakaroon ng "water spill" ang La Mesa Dam dahil malapit na ito sa overflow level na 80.15 na metro.
8. 15 - 25 mm ng ulan ang ibinubuhos ni Pedring kada oras.

Kung may pasok bukas, bukas ng madaling araw natin malalaman! Oh yeah!
(maraming salamat pala sa Yahoo! news)

Homosexuals are Happy People

Kung mapapansin ninyo, kahit ngayon, ang mga homophobic lately ay hindi nawawalan ng homosexual na kakibigan - o kung hindi man ay kakilala na hindi nakakailang namakasalamuha (bagama't meron at meron pa rin na nakakailang talaga). Isa marahil kasi sa mga magandang dahilan kung bakit lahat tayo ay may kaibigang homosexual ay sadyang masayahin ang mga homosexual. Hindi ko alam kung bakit pero ganito madalas ang napapansin ko.

Wala akong pilosopiya kung bakit masayang tao ang mga homosexuals (gays and lesbian) subalit siguro nga ay ganito naman talaga dapat ang outlook natin sa buhay. You will always have something to thank about at napapansin ko iyon sa mga bading at lesbianang tanggap kung ano sila - kahit na madalas ay hindi maganda ang tingin sa kanila ng ilang mga tao.

Rainbow ang tema o flag ng LGBT sa Baguio  (ganoon rin ang alam ko sa buong mundo). Very colorful at walang dating na tila hindi ito isang hakbang para maghimagsik sa mga nangungutya sa kanila. Nakasama na ako minsan sa parade ng LGBT at sobrang saya.

Ang punto ko lang naman ay simple lang. Masayahin ang mga bading at lesbiana at may karapatan silang maging masaya sa kung ano mang gusto nilang gawin sa buhay nila (provided syempre na walang nasasaktan). Hindi natin sila dapat husgahan dahil marami naman sa kanila ay nagpapasaya o nagpapatawa sa atin sa panahon ng kalungkutan.

Sige nga, sa ratio ng straight at hindi, ilan bang komedyanteng straight na lalaki ang kilala mo?

Saturday, 24 September 2011

Facebook vs Acads

Kakaiba ngayon ang away na nangyayari sa ilalim ng away sa pagitan ng:
a) Girlfriend at Boyfriend na mahilig sa Facebook,
b) Twitter na nauunang magpublish ng balita sa Yahoo!,
c) Yahoo! at Twitter na nauunang nagbabalita kaysa sa mga dyaryo,
d) UAAP schools rivalry
e) libro at mga e-books; at
d) Team Jacob at Team Edward

Sa ngayon, mas napapansin na ang mas madalas na pagbigay ng oras ng mga estudyante sa social networking sites (gaya ng Facebook) kaysa sa google na nagsilbing isang mainam na "search engine" ko ng mga pdf files na ginmit ko sa aking thesis ilang (buwan) o taon nang nakakaraan.

Nakakatakot ito kasi hindi mo alam ang maaaring mangyari sa mga estudyante ngayon - at kahit tignan mo pa ang facebook ay iilan lamang naman talaga ang nag-usap na mayroong kinalaman sa academic life nila. Chismisan at updates sa mga kilala o balak kilalanin ang sistema. 'Yung iba, wala lang magawa at naghihintay ng kakausap sa kanila ~ kawawa naman.

Posible kayana magkaroon ng log-in time limit ang Facebook kung pruweba nang hindi na nagkakaroon ng magandang epekto ito sa academic life ng mga users niya? Maraming magagalit, malamang. Magpapaparty siguro ang mga magulang.

Pero sa totoo naman kasi, walang tatalo sa actual interaction kaysa sa online na wala nang gagawin sa iyo kung hindi ay maging tamad. Wala na nga yatang estudyanteng nagbabasa ngayon ng dyaryo - sa tuwing required lang yata.

[salamat palasa picture na nasa itaas. nagmula sa: http://nelsonbobbijoedm310.blogspot.com/]

Salamin ng Starbucks

Teorya.

Sa tingin ko, may mga dahilan kung bakit malinaw na salamin ang ginagamit ng Starbucks sa kanilang mga cafes. Naglista ako ng ilan sa mga naisip kong mga dahilan:

1. Para malinaw mong makita kung nasaan ang lugar mo sa siyudad. Hindi ka nakaka-afford ng mamahaling kape at hanggang tingin (o amoy ka lamang). Sampal sa mukha? Oo. Nasampal rin ako.

2. Para makita mo na hindi na lamang basta pang-gising sa sarili sa umaga o sineserve sa burol ang kape. Ginagamit na ngayon ang "coffee" kapalit ng "tea." Iba na ang lenggwahe ngayon ng mundo. Wake up.

3. Para makita mo na hindi na totoo ang chismis na gwapo ang mga barista ng Starbucks.

4. Para makita mo na may iba kang kaibigan na handang ipagpaliban ang pagkain ng agahan, tanghalian, at hapunan para lamang magkaroon ng sandalina ipahayag sa mundo na kaya nilang uminom ng mamahaling kape - na sa totoo lamang ay hindi naman ganoon kalaki ang pinagkaiba sa iyong iniinom tuwing umaga.

5. Para makita ka ng kaibigan mo na kaya mo ring uminom ng mamahaling kape.

6. Para maipahayag ng Starbucks na "accessible" sila sa masa. Masarap naman kasi talaga ang kape nila.

7. Para makatipid sa kuryente. Syempre, iba na ang menos sa gastos kung buong umaga ay nakapatay ang mga dilaw na ilaw.


Ikaw? Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit "clear" ang salamin ng Starbucks?

Friday, 23 September 2011

Pagkakaisa

Wala nang tatalo pa sa isang unibersidad na nagkakaisa.

Kaninang tanghali, nakiisa ang UP Baguio sa pagtutol ng Budget Cut ng gobyerno sa Education Budget. Apektado nga naman kasi ang mga State Universities and Colleges (SUC's) sa tuwing nagkakaroon ng dagdag-bawas sa pondong nakalaan sa edukasyon na napupunta sa militar.

(May mga reservations ako sa education vs military budget feud pero saka nalang 'yun, syempre)

Nakakatuwa rito ay dahil nakilahok ang 3 pinakamalalaking organisasyon ng UP Baguio: ang Alliance of Concerned Students (ACS), Campus Alliance for Dedicated and Unified Action (CADUA), at ang Unite UP. Dagdag pa, naroon rin ang Admin, mga estudyanteng walang kinabibilangang org, mga academic orgs, pati mga fraterinies at sororities. Nakaka-aliw! Nationalism? Hindi ko sigurado pero ang importante, nagkakaisa ang lahat. Importante 'yun.

(ang larawan ay ang kasalukuyang headshot ng like page)

At may bonus pang like page na kung saan nakasama ako sa larawan! Kung nasaan ako, o kung sino man ako, wala na yun sa tanong. Malabo naman yung litrato ko nang nakuhanan ako. Naka-focus sa ibang tao ang camera.

Ito ang like page para makiisa: http://www.facebook.com/pages/UP-Baguio-against-Budget-Cut/253172351394667

Double Meanings

Nakalimutan ko na kung gaano nagiging creative ang mga estudyante ngayon. Mabenta ang sex sabi ng isa kong dating propesor sa Media Studies. Mas pinapansin kasi ng tao kapag may stimulating. Kung ang isang stimulant ay nakakapagsimula ng sex, minsan rin, ang sex ay ginagawang stimulant para mapansin mo ito.

Iba ngayon ang taktika ng ilang mga organisasyon ng mga estudyante. Mabenta ngayon ang Double Meanings. Hindi ko naman sinasabi na kontra ako dito. Pero kung lahat na lang ng advertisements ngayon ng mga proyekto ng estudyante ay Double Meaning, hindi kaya sobra na?

Ang punto ko: maging mas creative para mapansin. 'yun lang.

Block Sections

May pagbabagong nagaganap sa UP Baguio. Kakaiba ito mga tsong. Kasi ang CRS ngayon, kakaibang kakaiba na. Ang CRS na dati'y pahirapan sa pagkuha ng mga subjects ay para na lamang sa mga second years and above.

Wala naman sa akin 'yun. Pero hindi ba't kasama na sa UP ang sistema ng pagkainis sa tuwing hindi binibigay ng CRS ang mga mamahalag mong (kailangang) subject? Kawawa naman 'yung mga estudyanteng pampered na sa "dumadaling sistema sa UP."

Iba nga talaga siguro kung "mas mayayaman" na ang sangka-estudyantehan. Dumadali ang buhay.

Pero mas gusto kong nahihirapan ako - kasi sa ganung paraan ako madaling natututo.


Opinyon ko lang.

Wednesday, 21 September 2011

UP Pep Squad (Diliman)

Iba na ngayon ang balita, sa twitter mo na lang talaga unang malalaman. Bukas pa lalabas sa dyaryo, mamaya pa ipapalabas sa tv pagkatapos niyang commercial ng palabas na iyong pinapanuod.


in pic: GMA news: 7-time UAAP Cheerdance champions UP Pep Squad will represent PHL in the 6th World Cheerleading Championships Nov 26 and 27 in Hong Kong

Magaling, UP Pep Squad! Hindi lang para sa UP kung hindi para na rin sa ikararangal ng bansa! Galingan ninyo!

Students Hate Change

Students hate change. Sa UP, hindi lang pagbabago sa Budget Allocation ang ayaw nila. Agit ang lahat palagi. Kahit sa Facebook.

Nag-open na for public ang Google+ (G+). Kaya hindi nagpahuli ang Facebook at gumawa ng interface na muntik lang maging kamukha ng G+. Logic lang 'yan kasi, Facebook. Kung hindi nga lumipat ang mga tao sa G+ dahil nalilito pa sila nugn una sa G+, eh bakit mo naman gagayahin ang layout, di ba?

Students hate change. Eh ginaya pa ng Facebook ang G+. Edi ang daming nag-rant.

Change language to English (UK) kung gustong ibalik sa dating sistema ang Facebook.


Pero kung sa bagay, mahilig naman talaga mag-agit ang mga estudyante (kadalasan mga tag-UP). Konti na lang, tatawagin ko na ang Facebook sa mga sumusunod na pangalan:
a) Emotional Punching Bag
b) Online Anger Management Therapy Session; at
c) Online Talambuhay Sharing Room


Ay hindi pala agit ang lahat. 'Yung karamihan lang. Ayoko mag-generalize. Masama 'yun.

Thesis Draft Number One to Infinity

Hindi ko matandaan kung ilan talaga 'yung nagawa at ipinasa kong thesis draft as adviser ko habang ginagawa ko 'yung thesis ko. Sa sobrang dami yata, hindi ko na binilang. Hindi ko na rin binilang kung gaano kagastos ang thesis.

At dahil dyan, narito ang mga tips para sa mga gumagawa ng thesis ngayon:

1. Linawin sa sarili ang gustong gawing topic. Matapos nito ay linawin sa adviser kung ano bang takbo ng discussion ng inyong thesis. Para hindi paulit-ulit.

2. Tanungin sa adviser kung maaaring 1.5 ang spacing muna ng tekso ng thesis draft. Aminin mong hindi ka kasing yaman ng ibang thesis advisees niya. Kailangan mo pa nga minsang magtipid ng baon para lamang makapagpa-print. Hindi rin naman kayo ganoon kayaman.

3. Maaga pa lamang ay matuto nang mag-type ng mabilis sa computer. Nakatipid ka na sa pera, nakatipid ka pa sa oras.

4. Hindi masama ang magtanong sa kaibigan o sa dating prof kung ano ang iyong pwedeng gawin. Off rhe record, dapat. Para mas maimpress sayo ang adviser mo kapag nagpasa ka ng thesis proposal o ng thesis draft.

5. Magbasa ng maraming sources. Mahiya ka kung fourth year ka na at tamad ka pa rin magbasa. Mas mahiya kung taga-UP ka at tamad ka pa rin magbasa.

6. Alamin ang format ng APA o kung anu-man ang citation format ng inyong kolehiyo o departamento. Wag maasar kung iba ang ipinipilit ng iyong adviser ang ibang format pero sinasabing APA o kung anuman. May oras ka rin para i-prove sa iyong adviser na minsan ka ring tama. Maghintay.

7. Mag-proofread. Tignan ang spacing ng bawat paragraphs, S-V agreement, karampatang citation, levels ng bawat subhead, font size-style, atbp.

8. Tignan mabuti kung nagawa mo ang lahat ng gusto ng iyong adviser. Babala: may ilang pagkakataon na pakiramdam mo na hindi mo na 'yan thesis. Normal iyon. May mga adviser na feeling nila, researcher ka lang nila. Mag-ingat sa mga ganitong klase ng adviser.

9. Siguraduhing tama ang lahat na iyong binago. Walang nawawalang pahina, paragraph o salita. Maging adik sa pag-check ng thesis. gagastos ka ulit kung may mali - lalo na kung naka-bind na.

10. Wag kalimutang mag-saya sa pagitan ng paggawa ng thesis. Kung masyadong seryoso, baka masiraan ng bait.

Larawan sa Itaas ng Homepage

Proper citation para hindi tayo mapa-away.

Maraming salamat kay Pinoy Penman / Jose Dalisay, Jr. / Butch Dalisay sa kaniyang litrato na ginamit ko sa itaas. Sita rin ay nagtatrabaho para sa Philippine Star.

http://homepage.mac.com/jdalisay/blog/FJ3650.html <- ayan ang kaniyang mahusay na blog.

BAGUIO 357 RUN FOR A CAUSE by DeMolay Baguio and Job's Daughters International - Bethel 25

Pabilisin na lang natin ang usapan. Nasa baba ang mga detalye ng event na ito mula sa kanilang event page. RakEnRol!

SPONSORS:
Fusion Excel Baguio
Globalight Vision School
Davies Paint
Fabulo
Corinthians Convenience Store
LiquiPure
Thywillbedone Pre-owned Quality Cars
Zymed Medical Distributors

Proceeds will go to Charity Projects.

Registration:
LAPERAL BLDG: 2:00PM to 6:00PM
Pelizloy Building (Lower Session Road, Beside the new Goldilocks Store across Yellow Cab)
= 8:00AM-6:00PM, Mondays to Saturdays
Baguio Masonic Lodge (Beside Dona Josefa Elementary School, Behind Baguio City Hall)
= 2:00PM onwards, Sundays
REGISTRATION ENDS ON SEPTEMBER 23, 2011.

3KM Run is open for kids (13 years old and below)
5KM Run and 7KM Run (open for all) with Men and Women Division

Assembly Time: 5:00AM

Registration Fees:
3KM - PhP 100.00 (no shirt); PhP 150.00 (with shirt)
5KM - PhP 200.00
7KM - PhP 300.00

Registration Fee is INCLUSIVE of a CERTIFICATE OF PARTICIPATION and a COMMEMORATIVE SHIRT.

TOP 50 FINISHERS for each category will receive a FREE RUNNING SHIRT (Singlet).
TOP 10 RUNNERS for each category will receive a MEDAL.
SPECIAL AWARDS TO BE GIVEN AWAY.
RAFFLE PRIZES TO BE GIVEN AWAY. Raffle Tickets available at registration booth.
QUANTUM PENDANTS to be awarded for top runners.

Route:
3KM = Panagbenga Park -> South Drive -> Illustrado Drive -> Pacdal Rotonda -> back to Panagbenga Park Via same route
5KM = Panagbenga Park -> South Drive -> Outlook Drive -> Junction going to Lucnab -> back to Panagbenga Park Via Same Route
7KM = Panagbenga Park -> South Drive -> Outlook Drive -> Intersection Road going to Mines View, Mansion, Itogon -> Mansion -> Pacdal Rotonda -> Illustrado Road -> South Drive -> Panagbenga Park

Road Maps would be provided upon registration.

For more info, contact:
09277211301
09277039491
09193184239
09175080424
09209120890

Déjà vu 6 by Sigma Kappa Pi Fraternity and Sigma Delta Pi Sorority

SAAN: RED LION's Pub and Inn, Jungle Town Road, Baguio City, Philippines

ANG SABI SA EVENT PAGE NILA SA FACEBOOK: Déjà vu Acoustic Jam serves as a culminating event of a series of activities in commemoration of the Martial Law period and in the recognition of the youth’s part on the people’s struggle against the Marcos Dictatorship. The commemoration includes the fraternity and sorority-led educational discussions regarding the First Quarter Storm and the huge contribution of the youth in the struggle, the ΣΚΠ Freshmen Spelling Bee, and the mass-campaigns opposing the proposed 2012 budget allocation.

This year’s Déjà vu theme is “Ipagpatuloy ang Maningning na Kasaysayan ng Kabataan, Isulong ang Rebolusyon sa Edukasyon, Karapatan at Lipunan”.

Tickets @ Php70 (inclusive of one free drink)
For more details, approach any EKT or EDT member, or contact any of the following: 09154294282/ 09473730487

ANG TANONG: Mat ticket ka na ba?

LIGHTS OFF: Galactic Blackout! Exhibit by FA

Mabait naman ako - kaya kung minsan, magpo-post ako ng mga event sa UP Baguio nang mai-promote na rin sa ibang tao na wala sa Facebook - kung meron man.

Sa darating sa Septermber 22, 2011 (ay ngayon pala 'to!), at sabi na rin sa kanilang event page sa Facebook,
Intergalactic exhibition that further illustrates the vastness and infinite possibilities of the human imagination. Third year UP Baguio Fine Arts. Paintings with a twist. Yikee ano kaya yun~ :D Hahaha.
Naroon rin ang SET-UP at mayroon ring open mic so magdala na ng gitara.

Ay oo nga pala. sa Ayuyang Bar ito.

UPB - USC

Dahil aktibo pa rin ako sa Facebook at pati na rin sa mga nangyayari sa Unibersidad ng Pilipinas sa Baguio, ganoon na lamang ka-normal na magsasalita ako ukol sa mga nangyayari doon.

Isang mabagal na palakpak ang ibinigay ko nang hindi sumuporta ang University of the Philippines Baguio - University Student Council (UPB-USC) sa nakaraang walk-out para sa budget cut.

Isa ulit na palakpak ang ibinigay ko sa UPB-USC nang nagbigay sila ng isang Educational Forum na itinapat sa oras ng Walk-out. Pasalamat sila at hindi sila pinatulan ng grupong nag-organisa sa Walk-out.

Isang kilay ang dapat lang itaas nang inisaad nila kagabi lamang na "SINUSUPORTAHAN NG UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES BAGUIO - UNIVERSITY STUDENT COUNCIL ANG PANAWAGAN PARA SA PAGTIGIL SA BUDGET CUTS SA EDUKASYON AT IBA PANG BATAYANG SERBISYO."

Halata namang ayaw nila ng isang walk-out - kaya CAMP FIRE na lang ang mangyayari mamayang 5:30pm sa Oblation Grounds. "at syempre MAGSUOT NG ITIM sa BIYERNES para ipakita ang pagtutol sa BUDGET CUTS!"

Pero ayaw natin ng hati-hati tayo. Moving on, pupunta rin naman ako.

Magaling UP PEP SQUAD!

Kahit sa TV lang ako nanuod, sobrang galing ninyo! Ramdam ko 'yung energy na lumalabas sa TV. Kahit 'yung sigaw ng mga tao, nadala ako. Kaso ang pangit ng coverage ng Studio 23. Hindi na sila tumino. Pero astig pa rin ang UP Pep Squad. Naguumapaw ang school spirit ko kahit hanggang ngayon. Ayos!

litrato ay mula sa :: http://theyellowadventures.blogspot.com/2011/09/unibersidad-ng-pilipinas.html

Dugo

Blood is thicker than water. Pero kung nasa tubig lang ang lebel ng relasyon ninyong lahat, anong gagawin mo? Kanino ka nga ba papanig, Isko?

Ako? Dun ako kung saan mas malakas ang alon. Naka-ayon ako sa Mainstream at Bandwagon eh.

5 bagay na pinagkaiba at pinagkapareho ng Lider-Estudyante (LE) sa Pulitiko ng Gobyerno (PG)

1 Ang LE, naipapaluklok sa puwesto ng matinong sistema ng pag-boto. Ang PG, gumagamit ng bala at pera, minsan nagpapainom pa.

2 Ang LE at PG, (hindi lahat) ay mababa ang tingin sa mga boboto sa kanila; kaya nauuso ang mga jingle, komedya at karnibal. Kung LE ka, malamang minsan ka ring nagmukhang tanga. Hindi mo nakuha ang boto ko, asa ka.

3 May handang maglingkod sa PG dahil iba ang impluwensiya ng pera. May handang maglingkod sa LE dahil iba ang impluwensiya ng org/frat/soro-mates.

4 Malaki ang perang nakukurakot ng PG. ang PG, hindi ganun kalaki – pero may pera pa rin (minsan).

5 Uso ang pagiging “turncoat” sa mga GP. Sa LE, kahit naka-luklok ka na sa puwesto, iba pa rin ang impluwensiya ng “pinanggalingan” mo.

UP Endangled

UP (Baguio) Endangled. Ano ‘yun? Parang org na may kinalaman sa Disney (reference to Tangled). Educate me. Mali ako malamang. Wala talaga akong ideya.

UPCAT (part 2) o Kung bakit walang estudyanteng nasa UP campus sa tuwing may UPCAT.

1 Marami kasing mayabang na estudyante. Akala  mo eh sinadya nilang pumasok talaga sa UP samantalang ‘yung mga nagpaparinig sa mga UPCAT takers na mahirap yung exam ay nagpunta pa sa review centers para lang pumasa. Ipinagyabang ang katalinuhan sa loob ng klasroom - huwag sa mga nakababatang hindi ka naman bibigyan ng grado sa kayabangan o kadaldalan.

2 Para walang magrerecruit. Umpisa pa nga lang ng linggo ng semestre eh may mga pasaway nang kapatiran ang nagrerecruit. Malamang sa UPCAT pa lang nagpapabango na yan ng pangalan.

3 Para makontrol ang mga “tirador ng freshie.” Nako naman kasi ate / kuya. Maawa ka naman sa bata. Hindi pa nga taga-UP, balak mo na agad angkinin.

4 Wala kasing klase at wala rin namang pwedeng pagtambayan. (kung ipapaliwanag ko pa ‘to, parang inassume ko na rin na bobo kayo. Ayoko nun. Wag ganun.)

5 Wala na kong maisip. Pwede na ‘yung apat.

Depensa para sa Raliyista

Buong buhay ko, hindi ako sumali sa mga rally. Ah hindi, merong isa noong freshman ako. Kasi ‘yung crush ko niyaya ako. Sumama ako, kinikilig at mukhang tangang kinikilig sa kalsada habang isinisigaw ang “iskolar ng bayan ngayon ay lumalaban.”

Noong Hulyo 2011, may walk-out nanaman. Nationwide at ang nakarating ang balita sa akin (isa ata ako sa mga unang naka-alam) na inendorso pa ito ng ating mabuting UP President.

Pero siyempre, may nagrereklamo o nakapuna na parang ang mga prinsipyo daw ng mga rallyista ay tila magulo – sapagkat kung wala man sa okasyon ay naka-porma sila na para bagang nasa taas ng social hierarchy. Kung ilalantad natin sa isang ibang pananaw, maaaring sabihin na nag-aastang nasa ibabaw ng social class, diumano. (nagets ko, parang pareho lang pero hindi. Ibang term na.)

Maraming nakakapuna dahil inirerepresenta daw nila umano ang mga marginalized, mahihirap at iba pang katulad na termino subalit nawawala ito kapag hindi na tinatawag ng pagkakataon.

Kailangan kong idepensa ang ganito. Kasi parang loko-loko ang nag-isip n’un.

Ang pagrerepresenta o ang pagkilos para sa mga marginalized ay hindi nangangahulugang hindi mo na kinakailangan pang pumorma sa paraan na gusto mo. Ipokrito rin ang hindi maghahangad ng mas mataas para sa sarili. Hindi ako naniniwalang masaya ka na sa kalagayan mo. Kahit sa CAL (diliman) ay may consepto ng power dress, sa Baguio pa kaya). Kung maaari man na ginagago nga ng gobyerno ang mga raliyistang Isko at Iska (na sana naman ay hindi), hindi naman ito nangangahulugan na poporma ka na, na para bang tanggap mo nang marginalized ka. Kung ginagago ka na nga ng gobyerno, o sasabihin mong wala kang sapat na pera upang mabuhay, bakit tinatanggalan natin ng karapatan sila na magbihis ng mas maganda sa normal? Baka naman inggit ka lang kasi wala kang fashion statement.

Pero siyempre, may punto nga naman. Nakakahiya ‘yung nangungutang ng pera para lang may pang-gala, pang-shopping o pang-party. Nakakahiya ‘yung magtitiis na huwag kumain ng tanghalian para may pambili ng bagong damit. Nakaka-awa yung sa harap lang ng marami ay may matibay na prinsipyo.

Pero wala kasi akong kilalang rallyistang ipokrito. Mabuti nga at wala pa naman.

Nakaporma man o hindi, mayaman man o mahirap – mas nakaka-awa ‘yung alam nang may problema ang sangkaestudyantehan, ay walang ginawa at nanunuod lang sa mga nagrarally na kapwa isko at iska ~ na parang tanga.

Moral lesson? Kung sasama man o hindi sa isang rally, panindigan ang prinsipyo. Pero maghanda sa mga matang nakaabang na humusga sayo.

UPCAT part1

UPCAT. Oop-cat. Hindi siya up-cat. Kaya ka hindi siguro pumasa sa UP kasi pronunciation pa lang ng entrance exam, eh mali na. kung pwede lang may hashtag dito, ilalagay ko #AngBoboMoPoAte.

Para sa mga UP Baguio Student Organizations

Napakadaming organisasyon sa UP Baguio. Parang hindi makatarungan. Ang liit naman nung campus (kumpara sa ibang eskwelahan) pero lahat ata ng aspeto ng lipunan gustong irepresenta. Kaya gumawa ako ng guidelines:


20 TANONG KUNG DAPAT PA BANG MANATILING ISANG RECOGNIZED ORG KAYO SA UP BAGUIO

1 Sapat ba ang miyembro mo?

2 Anong pinagkaiba ng org na ito sa isa ninyo pang org na halos kayu-kayo rin ang miyembro? (follow up question) Bakit pa kinakailangan pang ibang organisasyon pa?

3 Ilan ang proyekto niyong may kinalaman talaga sa pagkakatatag ng organisasyon ninyo? (i.e. food sale) Balak ninyo bang agawan ng mamimili si Manang Mani? Mapaliwanag.

4 Sigurado ka bang org yan at hindi isang underground fraternity, sorority o confraternity? Ang sinungaling machi-tsismis.

5 Anong ibig sabihin ng logo ninyo? Pauso lamang ba ito?

6 Anung significance ng org hand shake ninyo sa mission at vision ng org ninyo?

7 Walang neutral at nasa UP kayo at dapat may paninindigan – leftist ba kayo o pro-government?

8 Nasaan ang tambayan ninyo on at off campus?

9 Lahat ba ng miyembro ay umaatend ng org meeting o ghost member lang ang iba sa inyo?

10 Proud ba ang alumni ninyo sa inyo?

11 Sino ang nag-isip ng pangalan ng org ninyo?

12 Kung iisa-isahin ang bawat miyembro ng tanong ukol sa org, makasasagot ba sila ng matino?

13 Ang org ba ninyo ay gumagawa ng mga proyekto na may kinalaman ang mga tao na nasa labas ng UP? Bakit o bakit hindi?

14 May kaaway ba kayo na ibang organisayon? Bakit meron o bakit wala?

15 Bakit o bakit hindi kawalan ito ng UP kung hindi kayo marerecognize bilang isang organisasyon?

16 Kung bibigyan ang org ninyo ng kapangyarihan na magtanggal ng isang organisasyon sa UP baguio, ano ito at bakit?

17 Anong imahe ng org ninyo sa mga estudyanteng wala pang organisasyon? Totoo ba ito?

18 Magbigay ng mga chismis tungkol sa inyong organisasyon – linawin ang mga ito at magbigay ng ideya kung bakit may chismis na ganito.

19 Naniniwala ka bang consistent ang organisasyon mo sa mga prinsipyo nito? Bakit o bakit hindi?

20 Panahon mo na upang magbigay ng ibang impormasyon ukol sa iyong organisasyon. Ilahad ito ng hindi lalagpas sa 5 pangungusap.


Kung hindi makasagot ng tama. Mabuti nang mabuwag na kayo. Nakakahiya. ~ ang org na matamaan, hindi ko kasalanan. Ganyan din sa ibang eskwelahan – wag isiping tinitira kayo.

Ang unang mapikon . . . papalakpakan.

Taga-UP si Harry Potter

Nauso rin pala ang chuck Taylor shoes, o Chucks, o Converse noon. Chucks na lang para cute. Nagpabili ako sa tito ko na taga-Ateneo. Sabi niya, sa Ateneo mas nauso raw ang Vans. Eh hindi naman ako Atenista, pakeelam ko sa Vans. Mukhang tanga lang.

Sa UP, yung mga naka-Vans, kadalasan taga-fraternity ‘yun. Kung hindi man nasa Fine Arts. Hindi ko maapreciate yung Vans. Parang slip-ons lang na inimbento ng metrosexual na naiinggit sa mga babaeng fashionista. Pero wala akong sinasabing may mga bading sa mga fraternity. Sa UP Baguio meron daw. Pakialam ko. Hindi ko na isyu ‘yun.

Balik tayo sa Chucks. Mas gusto ko ‘yun kasi si Harry Potter may suot na ganun. Napanuod ko ‘yung Harry Potter and the Prisoner of Azkaban kagabi sa HBO ng kapitbahay. Tignan ninyo, sa umpisa nung pelikula naka-Chuck siya. Ang astig. Para siyang taga-UP (hindi UPian ~ taga-UP). Gagung analysis lang. 

SexEd Freshie Edition

Kapag nakakita ako ng Freshman na napakunot ng nuo o nailang kapag usapang sex na, papaalisin ko siya sa campus. Pero maganda rin siguro kung hindi ko titigilan ‘yung topic. Tapos susundan ko pa siya tapos kekwentuhan ko ng sexual experiences na alam ko – sa akin man o sa ibang tao. 

Zola Update

Nakita ninyo ‘yung Zola? Shet. Dati tambayan ko yan bago pumunta ng Nevada. Ngayon napa-atras ako. Mukhang pang burgis na. Sa Goto Baden na nga lang ako.

Koreano sa Baguio

Hindi ko matandaan yung unang taon na napansin ko na dumadami na ‘yung Koreano dito sa Baguio. Bigla na lang akong nagising katotohanan. Ganito ‘yung nangyari (in no particular order):

1 napagitnaan kami ng kaibigan ko ng dalawang grupo ng Koreano habang umoorder sa Starbucks
2 kaagaw ko na sa taxi ang mga turista ~ at Koreano
3 nagtatrabaho sa isang kumpanya sa baguio ang kaibigan ko – na boss ay isang Koreano
4 katabi ko sa bus papuntang laoag, la union, at manila, Koreano
5 exchange students – Koreano
6 walang Chinatown pero ang daming Korean restaurants
7 Korean grocery sa may Porta Vaga, tangina
8 K pop music, kahit sa jeep
9 ring tone ng cell phone ng best friend ko, K pop
10 kahit sa ukay-ukay, may kaagaw na nang koreano!

Korean invasion!!!

UP Baguio

Hanep ang buhay Isko. ‘Yung pinsan ko nasa UP Baguio ngayon. Second year. Nung isang araw nag-uusap kami habang nagju-juts sa terrace.

Pinsan: tangina.
Ako: o?
Pinsan: kukuha na raw ata ng comm 280 yung kaibigan ko.
Ako: comm. 280? ano ‘yun? Fornication with the prof?
Pinsan: gago. pangalawang take ng comm 140.
Ako: ewan ko sa inyo. Yosi na lang tayo. Mangangamoy ako nito mamaya.

end.

UC Dance Squad

Masyadong ipinagyayabang ng UC ang Dance Squad nila, sabi ng kaibigan ko. Hindi ako nagpupunta ‘dun kasi ang uwi ko naman, sa ibang daan. Pero sa totoo lang, nananalo rin nga naman kasi ‘yung grupo. Hanep nga eh. Kung pwede lang eh nasa UAAP Cheer Dance Competition (UAAP-CDC) din sila. Kaso kamusta kaya ‘yung ibang mga kurso nila? Mas bagay siguro kung gawing School for the Arts na lang sila. Kung hindi man, ibenta na lang nila ‘yung iskwelahan nila sa La Salle. Ang pangit kasi ng mga performance ng La Salle sa UAAP Cheer Dance. Pero nanalo sila nu’ng nakaraang UAAP-CDC.

Okay. Ang labo ko kausap.

Opinyon

Wala naman kasi dating pakialam ang bawat isa kung magpapahayag ka ng iyong pananaw sa isang pangyayari. Pero dahil may mga agit na ayaw magpatalo, kaya lumalaki ang mga pangyayari. May ibang nagbitch-fit. Kaya nagmukhang kalokohan.

Tignan mo nung kasagsagan ng walk-out sa U.P. Baguio noong hulyo, 2011. Parang karnibal (pruweba ang facebook at twitter). Bagamat merong mga may saysay ang paninindigan, mayroon at mayroong iba na walang ibang ginagawa kung hindi mag-ingay. Tila naging isang palengke ang dapat sanang mahusay na diskurso sa pagitan ng mga prinsipyo. Kasi ang problema, may ibang nagpapahayag lang ng prinsipyo nila para mang-bara ng iba. O baka naman kasama ‘yun sa prinsipyo nila. Ay kalokohan.

Nasaan ang panig ko? Hindi ko alam. O kung alam ko man ay hindi ko kailangang sabihin.

Anong UPian ka? Taga-UP ka.

Sino naman ang maarteng nagpauso ng terminong UPian? Taga-UP! (Anak ng Angus Beef.) Tignan niyo nga, mga Isko. Sabi ng cheer natin (na bobo lang ang hindi nakaka-alam): “Hinding-hindi magpapahuli, Ganyan kaming mga Taga-UP!”

Baliktarin mo man ang cheer na ‘yun, Walang UPian dun. Maling iskwelahan ang pinasukan mo kung UPian ang gamit mong termino. Kalokohan ‘un. UPian *^#&$%@%!!!!

Taga-UP!

Bakit afterisko.blogspot.com?

Magtataka kayo kung bakit nga ba, afterisko.blogspot.com. Ganito 'yan:

1. Bilang isang estudyanteng mula sa UP, nagkaroon na ng nickname na Isko at Iska ang mga estudyante nito. Iskolar kasi. Ops. Mahabang kwento. Next.

2. "After" dahil patapos na rin ang aking buhay bilang isang iskolar. Bagama't hindi natatapos ang pag-aaral sa loob ng semestre, tapos na ang mamayanan na pag-aralin ako (kung totoo nga na malaki pa rin ng binayaran ko ay galing sa buwis o sa gobyerno).

3. AfterIsko dahil ayoko na maiugnay sa aking pagiging isang "Iskolar ng Bayan" ang mga pinagsasasabi ko rito - o i pagsasasabi ko. Ibig sabihin, narito rin ang isang ideya na maaaring sa paglabas ng isang estudyante sa eskwelahan ay mag-iiba na ang kaniyang prinsipyo. Mag-iiba kaya ang mga prinsipyo ko? Tignan natin.

4. AfterIsko dahil kahit papaano, graduate na 'ko. Hanep 'to.

Ground Rules

1. Hindi ko kailanman ipapakilala kung sino ako. Wala. Umasa kayo sa wala.
2. Ang aking mga sasabihin ay ukol sa kung ano man ang pwedeng sabihin.
3. Hindi ako maninira ng imahe ng ibang tao, institusyon o kahit ano pa.
4. Susubukan kong magbigay ng patas sa panunuri sa bawat pangyayari.
5. Ang bawat larawan o linya na hindi manggagaling sa akin ay mayroong nakalay na "source."
6. Maaaring magkomento.
7. Hindi ako sasagot pabalik sa ilang komentong naghahanap ng away.
8. Bahala na, basta dapat maayos ang aking pananalita.
9. Lasing ako habang ginagawa 'ko 'to. Walang magulo.