Saturday, 24 September 2011

Salamin ng Starbucks

Teorya.

Sa tingin ko, may mga dahilan kung bakit malinaw na salamin ang ginagamit ng Starbucks sa kanilang mga cafes. Naglista ako ng ilan sa mga naisip kong mga dahilan:

1. Para malinaw mong makita kung nasaan ang lugar mo sa siyudad. Hindi ka nakaka-afford ng mamahaling kape at hanggang tingin (o amoy ka lamang). Sampal sa mukha? Oo. Nasampal rin ako.

2. Para makita mo na hindi na lamang basta pang-gising sa sarili sa umaga o sineserve sa burol ang kape. Ginagamit na ngayon ang "coffee" kapalit ng "tea." Iba na ang lenggwahe ngayon ng mundo. Wake up.

3. Para makita mo na hindi na totoo ang chismis na gwapo ang mga barista ng Starbucks.

4. Para makita mo na may iba kang kaibigan na handang ipagpaliban ang pagkain ng agahan, tanghalian, at hapunan para lamang magkaroon ng sandalina ipahayag sa mundo na kaya nilang uminom ng mamahaling kape - na sa totoo lamang ay hindi naman ganoon kalaki ang pinagkaiba sa iyong iniinom tuwing umaga.

5. Para makita ka ng kaibigan mo na kaya mo ring uminom ng mamahaling kape.

6. Para maipahayag ng Starbucks na "accessible" sila sa masa. Masarap naman kasi talaga ang kape nila.

7. Para makatipid sa kuryente. Syempre, iba na ang menos sa gastos kung buong umaga ay nakapatay ang mga dilaw na ilaw.


Ikaw? Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit "clear" ang salamin ng Starbucks?

No comments:

Post a Comment