Sunday, 23 October 2011

Broken Bucket List

Noong nag-extend ako (bago pa ako mag-enroll sa thesis ko), naisip ko na gumawa ako ng bucket list. Kaso hindi nangyari iyon. Naisip ko kasi na kagaya ng naudlot kong graduation, madidisappoint ko lang ang sarili ko na hindi ko magagawa ang mga bagay na isusulat ko. Kaya ngayon, isusulat ko na lang ang:

MGA BAGAY NA SANA GINAWA KO NOONG NASA KOLEHIYO AKO:
1. Kumain ng chicharon sa classroom.
2. Magpasa ng 10 page essay sa halip na one page lamang.
3. Matulog sa klase.
4. Kumuha ng picture ng teacher/prof habang nagsasalita siya sa harapan.
5. Mag-walk out ng walang dahilan.
6. Mag-disagree sa nga sasabihin ng mga kaklase sa loob ng isang buong araw.
7. Mag-overnight sa eskwelahan.
8. Kindatan ang Department Head/Chair.
9. Threesome.
10. Halikan ang same sex na kaibigan sa lips.
11. Uminom for 5 days straight.
12. Tumambay sa Andok's ng 3 oras.
13. Tumambay sa 7-eleven simula 1am hanggang 7am.
14. Mag-yosi ng isang pack ng Marlboro na pula sa isang buong araw.
15. Sabihin sa crush ko na mahal ko siya para iwasan na niya ako for good.

Real-time Posting

Real-time posting.

'Yan siguro ang isa sa mapapansin ninyo sa blog ko. Hindi ko kailanman binura o binago ang mga sinabi ko na nai-post na noong nakaraang araw. Ang mga typographical errors (kung meron man) ay hindi ko na babaguhin kung matagal ang pagitan ng pag-post at pag-kaka-kita.

Real-time posting.

Ang pag post ng aking mga sinasabi dito ay kagaya lamang ng pagsasabi ko ng mga salita kung paano niyo ako kakausapin  sa personal. Hindi naman kasi nararapat na pulido. 'Yun ang maganda. Kasi may mali. Hindi ninyo gugustuhing mabuhay sa mundong perpekto - kasi hindi mo mararamdaman na minsan kang tama. Kasi planado na lahat.

Real-time posting.

Sabi sa twitter at  sa facebook, think before you click. Pero sa akin, think before typing. Mas malaki ang kapalit noon dahil ang disiplina sa sarili ang nagiging mahalaga. Mapapaisip ka munakung ano lamang ang dapat lumabas sa bibig at kung ano ang nararapat manatili sa utak - kung ano ang dapat pag-isipan pa.

Marami ang pwede ninyong isumbat sa akin dahil ganoon iba ang kaso ng internet at realidad. Subalit gusto ko pa ring mabuhay sa realidad - na wala akong karapatang isipin kung tama ba ang pag-click. Kasi ang responsibilidad mo ay nasa pag-iisip sa mga ginawa mo bago ka napaisip sa pag-click.