Nakakatuwang isipin na pareho lamang ang "nature" (dahil hindi ko alam ang Pilipino ng salitang nature) ng Pilospiya at ng Strike. Pareho kasi silang self-destructing.
Bakit?
(Pwede i-skip itong part na 'to) Malamang alam niyo na pero sasabihin ko pa rin. Sa Pilosopiya kasi, yung sariling niyang sagot sa ginawa niyang tanong, gagaguhin pa niya at hahamunin ang sarili niyang tanong sa pamamagitan ng panibago pang problema. Paulit ulit na tanong hangga't napiga na 'yung lahat-lahat -- hanggang hindi naman talaga nasagot pa. Sa madaling salita, sa Pilosopya, problematic kasi kahit anong gawin mong solusyon, gagawan pa ng panibagong problema - na ikaw rin naman kasi ang may kasalanan.
Self-destructive ang mga STRIKE (sa kahit anong paraan e.g. transport, work, etc.) kasi ginagawan mo ng problema ang mas malaking problema. Tignan mo ang PALEA ngayon.
Nagreklamo ang PALEA dahil sa hindi umanong tamang pagtrato ng PAL sa kanilang mga empleyado. Nang nagka-strike, napilitan ng PAL (kanina lang) na hindi na muling makikipag-"negosyo" sa PALEA nang hindi na maulit ang nangyaring pag-disrupt ng mga flights ng mga Pilipino, Turista, at mga Alien. Nalugi ang PAL malamang hanggang sa ngayon sualit mas nalugi ang mga taga-PALEA na sumama sa strike na diumanong nawalan na rin ng trabaho.
Para sakin kasi, importante naman ang mga strike dahil naipaparating nito sa mga kinauukulan (pati na rin sa Media, buong mundo at walang pakialam) ang ilan sa mga isyu ng lipunan. Pero hindi naman kasi pang-middle class ang mga strike.
Kaakibat kasi ng strike ay ang posibilidad na matanggal ka sa trabaho. Handa ka ba sa posibilidad na iyon? Marahil handa ka lamang kasi kung isa ka sa mga sumusunod:
1. Anak ng mayaman; o
2. Nakapag-ipon ng sapat na pera na magtatagal hanggang makahanap ka muli ng trabaho.
Ngayon, kung sasama ka sa isang strike, handa ka ba?
Sa mga estudyanteng nagbabasa nito (naks!), mag-isip ng mabuti kapag nakahanap na ng trabaho ha? :)
No comments:
Post a Comment