Wednesday, 21 September 2011

Thesis Draft Number One to Infinity

Hindi ko matandaan kung ilan talaga 'yung nagawa at ipinasa kong thesis draft as adviser ko habang ginagawa ko 'yung thesis ko. Sa sobrang dami yata, hindi ko na binilang. Hindi ko na rin binilang kung gaano kagastos ang thesis.

At dahil dyan, narito ang mga tips para sa mga gumagawa ng thesis ngayon:

1. Linawin sa sarili ang gustong gawing topic. Matapos nito ay linawin sa adviser kung ano bang takbo ng discussion ng inyong thesis. Para hindi paulit-ulit.

2. Tanungin sa adviser kung maaaring 1.5 ang spacing muna ng tekso ng thesis draft. Aminin mong hindi ka kasing yaman ng ibang thesis advisees niya. Kailangan mo pa nga minsang magtipid ng baon para lamang makapagpa-print. Hindi rin naman kayo ganoon kayaman.

3. Maaga pa lamang ay matuto nang mag-type ng mabilis sa computer. Nakatipid ka na sa pera, nakatipid ka pa sa oras.

4. Hindi masama ang magtanong sa kaibigan o sa dating prof kung ano ang iyong pwedeng gawin. Off rhe record, dapat. Para mas maimpress sayo ang adviser mo kapag nagpasa ka ng thesis proposal o ng thesis draft.

5. Magbasa ng maraming sources. Mahiya ka kung fourth year ka na at tamad ka pa rin magbasa. Mas mahiya kung taga-UP ka at tamad ka pa rin magbasa.

6. Alamin ang format ng APA o kung anu-man ang citation format ng inyong kolehiyo o departamento. Wag maasar kung iba ang ipinipilit ng iyong adviser ang ibang format pero sinasabing APA o kung anuman. May oras ka rin para i-prove sa iyong adviser na minsan ka ring tama. Maghintay.

7. Mag-proofread. Tignan ang spacing ng bawat paragraphs, S-V agreement, karampatang citation, levels ng bawat subhead, font size-style, atbp.

8. Tignan mabuti kung nagawa mo ang lahat ng gusto ng iyong adviser. Babala: may ilang pagkakataon na pakiramdam mo na hindi mo na 'yan thesis. Normal iyon. May mga adviser na feeling nila, researcher ka lang nila. Mag-ingat sa mga ganitong klase ng adviser.

9. Siguraduhing tama ang lahat na iyong binago. Walang nawawalang pahina, paragraph o salita. Maging adik sa pag-check ng thesis. gagastos ka ulit kung may mali - lalo na kung naka-bind na.

10. Wag kalimutang mag-saya sa pagitan ng paggawa ng thesis. Kung masyadong seryoso, baka masiraan ng bait.

No comments:

Post a Comment