Buong buhay ko, hindi ako sumali sa mga rally. Ah hindi, merong isa noong freshman ako. Kasi ‘yung crush ko niyaya ako. Sumama ako, kinikilig at mukhang tangang kinikilig sa kalsada habang isinisigaw ang “iskolar ng bayan ngayon ay lumalaban.”
Noong Hulyo 2011, may walk-out nanaman. Nationwide at ang nakarating ang balita sa akin (isa ata ako sa mga unang naka-alam) na inendorso pa ito ng ating mabuting UP President.
Pero siyempre, may nagrereklamo o nakapuna na parang ang mga prinsipyo daw ng mga rallyista ay tila magulo – sapagkat kung wala man sa okasyon ay naka-porma sila na para bagang nasa taas ng social hierarchy. Kung ilalantad natin sa isang ibang pananaw, maaaring sabihin na nag-aastang nasa ibabaw ng social class, diumano. (nagets ko, parang pareho lang pero hindi. Ibang term na.)
Maraming nakakapuna dahil inirerepresenta daw nila umano ang mga marginalized, mahihirap at iba pang katulad na termino subalit nawawala ito kapag hindi na tinatawag ng pagkakataon.
Kailangan kong idepensa ang ganito. Kasi parang loko-loko ang nag-isip n’un.
Ang pagrerepresenta o ang pagkilos para sa mga marginalized ay hindi nangangahulugang hindi mo na kinakailangan pang pumorma sa paraan na gusto mo. Ipokrito rin ang hindi maghahangad ng mas mataas para sa sarili. Hindi ako naniniwalang masaya ka na sa kalagayan mo. Kahit sa CAL (diliman) ay may consepto ng power dress, sa Baguio pa kaya). Kung maaari man na ginagago nga ng gobyerno ang mga raliyistang Isko at Iska (na sana naman ay hindi), hindi naman ito nangangahulugan na poporma ka na, na para bang tanggap mo nang marginalized ka. Kung ginagago ka na nga ng gobyerno, o sasabihin mong wala kang sapat na pera upang mabuhay, bakit tinatanggalan natin ng karapatan sila na magbihis ng mas maganda sa normal? Baka naman inggit ka lang kasi wala kang fashion statement.
Pero siyempre, may punto nga naman. Nakakahiya ‘yung nangungutang ng pera para lang may pang-gala, pang-shopping o pang-party. Nakakahiya ‘yung magtitiis na huwag kumain ng tanghalian para may pambili ng bagong damit. Nakaka-awa yung sa harap lang ng marami ay may matibay na prinsipyo.
Pero wala kasi akong kilalang rallyistang ipokrito. Mabuti nga at wala pa naman.
Nakaporma man o hindi, mayaman man o mahirap – mas nakaka-awa ‘yung alam nang may problema ang sangkaestudyantehan, ay walang ginawa at nanunuod lang sa mga nagrarally na kapwa isko at iska ~ na parang tanga.
Moral lesson? Kung sasama man o hindi sa isang rally, panindigan ang prinsipyo. Pero maghanda sa mga matang nakaabang na humusga sayo.
No comments:
Post a Comment