At dahil kasama rin naman sa bawat year book ang inaabangan na CREATIVE SHOT, naglista ako ng ilan sa mga DAPAT IWASAN ng mga estudyante na CREATIVE PICTURE CONCEPTS (in no particular order):
Fairy
Tantanan na natin ang mga fairy. Hindi sila cute. Maaaring cute ang nagbabalak maging fairy subalit tandaan na ang adjective ng pagiging cute ay para lamang sa mga aso ~ at mga figurines, at sa mga mukhang hayop. Paso na rin ang pag-rely sa photoshop kasi hindi naman photoshop ang solusyon sa lahat ng bagay. Kung gagawin ito, siguraduhin naman na bibigyan mo ng hustisya ang image na pinaghirapang gawin ni Tinkerbell.Princess / Prince
Kung hindi ka pa nakuntento sa childhood fantasies mo, pwede namang sa birthday mo na lang gawin at huwag sa yearbook gawin ang magiging prinsipe o prinsesa - pati pagiging hari o reyna. Tandaan na iilan pa lamang ang nakaka-pull off ng matinong Princess / Prince look. Kung masyado kang komportable sa image mo bilang Prinsipe o prinsesa, think again. Hindi mo kasi alam kung anong pwedeng sabihin ng iba. Minsan rin naman, bigla ka na lang magugulat na mukhang tanga pala 'yung ginawa mo. Pero okay lang rin naman, masarap na napagtatawanan mo rin ang sarili mo kung minsan.Angel
Hindi ka nakuntento sa Fairy at nagbait-baitan ka pa. Angel. Ang sarap mo sapakin. Kung relihiyoso akong tao, malamang sasabihin kong blasphemous pa ang ginawa mo. Joke lang naman. Wag magalit.Tribo with incorrect colors / artifacts
Mag-research sa gagawing culture creative pic concept. Hindi ko masasabing creative ito pero sana bibigyan mo ng hustisya ang tribo na ipapakita mo. Icheck at idouble check ang kultura na gagayahin - lalo pa't kung hindi ka naman katulad nila at feel mo lang na creative ka kapag gagawin mo 'yun. Wag maging bastos - kahit hindi mo naman sasadyain - may responsibilidad ka na mag-research. Kahit balak mong maging isang Navi sa Avatar, icheck mo pa rin - para hindi ka magmukhang tanga.Nude
Wala akong nakikitang creative sa pagsusuot ng wala. 'Yun lang.Rockstar
Iba ang emo sa pagiging rockstar. Hindi lahat ng rockstar ay may eyeliner at kailangang may gitara o met leather o may metal-metal na nakakabit o nakasuot sa katawan. May rockstar na vocalist lang at wala nang iba. Kung gagaya ng kilalang rockstar, tignan mo 'yung mga signature outfits niya. Tignan rin kung ano 'yung mga poses na kilala siya. Kung gagaya ka rin lang naman, ayusin mo na.Lover / Loved
Hindi ko alam kung bakit mo babalaking maging lover / loved. 'Yung para bang may hawak kang rosas o bulaklak na kahit ano tapos naka-cocktail dress / outfit ka. Pwede mong gawin 'yun araw-araw. Hindi mo naman 'to first time mag-pa-picture, di ba?Movie Characters with Lame Outfits
Kailangan ko ba bang mag-explain? Sige na nga. Isang linya lang: Pondohan mo naman 'yung outfit mo.Same as Actual Talent
Hindi po 'yan creative. Nagyayabang ka lang.Same as Formal
Seryoso ka? Nasan ang creative 'jan?Kung nagawa mo na ang ilan o isa sa mga dito, hindi mo na kailangang magsisi. Sana lamang ay papanindigan mo ~ mas importante 'yun. :)