Thursday, 29 September 2011

Death of OPM

Simpleng dahilan lang 'yan kung bakit hindi na ganoon kayabong ang ating entertainment industry - lalo na sa larangan pa lamang ng musika: kasi nagiging tamad tayo.

Tapos na ang panahon kung saan ang magagaling nating mga kompositor ay nariyan. Napalitan na ang kanilang hilig sa pagsusulat ng orihinal na magagandang musikang Pilipino sa pagggawa ng jingle ng isang commercial advertisement, jingle ng pulitikong tumatakbo sa pwesto, o theme song ng teledrama na pauulit-ulitin lang 'yung chorus ng ginawang kanta o minsan ay gagawin pang titulo ng pelikula.

Kailangan kasi ng pera ngayon at marami sa mga magagaling na kompositor ay ipinagpapalit ang integridad ng dekalidad na likha sa mabilisang paggawa na malaki ang kita, gaya ng sa jingle. Hindi ko naman syempre sinasabi na hindi dekalidad na musika ang ginagawa ng mga kompositor ngayon. Ang sinasabi ko lang, sana mayroon pa rin na gumagawa ng musika - para sa kapakanan ng pagkakaroon ng magagandang musika. Hindi dahil sa pera.

Tapos na ang panahon ng kasipagan. Tamad na ang marami sa ating mga talentadong Pinoy. Sino ba kasi naman ang gaganahan sa pag-tangkilik ng mga TV programs sa mga International hits. Buti na lamang at may mga gwapo pang bokalista ng mga banda na kinagigiliwan ng mga kababaihan - at mga kabaklaan.

Ang mga kababaihan, at mga homosekswal, ang isa sa malaking populasyon na tumatangkilik sa ating musika. Ang mga lalaki ang nagdo-dominate sa mga banda - na gumagawa ng musika. Pero iilan na lang rin ang gumagawa ng original songs. Puro covers. Puro putanginang covers ng mga gasgas nang mga international songs. Nagmumura ako kasi nakakagalit. Walang point ang pag-cover sa kanta na sumikat na. Gusto kong magpangalan ng mga artist na puro covers lang kaso ayoko makasuhan ng libel.

Death of OPM? Siguro mali ako. Hindi pa patay ang OPM. Pero malapit na. Tignan mo nga naman kasi 'yang iTunes mo, o 'yang mp3 phone mo, o kahit ano pa man. Tignan mo ang ratio ng International Songs sa Local (Original) OPM songs. Wag mong sabihing Nationalist ka. Kasi kung Nationalist ka, tutulong ka sa pagsuporta sa musikang Pilipino na minsan nang nagpatibay ng kulturang Pilipino.

Ang mainsulto, guilty.

No comments:

Post a Comment