Thursday, 29 September 2011

Harry Potter o Bakit Masayang Maging Extending!

Ang buhay ni Harry Potter, parang buhay sa UP lang – minsan, paabutin mo ang Maximum Residency. Minsan naman, adik-adik ka lang talaga. Tignan natin kung pareho tayo ng nasanasan. Syempre sa UP Baguio ang experience na ‘to:


1. Harry Potter and the Sorcerer’s Stone
- Reluctant ka talaga sa umpisa. Pero amaze na amaze ka nang nakapasok ka na.
- ‘Yung unang semestre feel na feel mo ang pagiging taga-UP. Feel na feel mo ikaw lang ang atensyon ng lahat. Freshie Night. Freshie Orientation. Inter-Freshie. Lahat may “Freshie!” Kulang na lang Freshie Food Sale.
- Ganoon rin naman si Harry Potter – hanggang umeepal na si Draco Malfoy; at syempre naasar ka na nang may mga epal na higher year na nagmamarunong na para bang hindi nila naranasan ‘yung naranasan mo.
- Ramdam mo rin ‘yung hell week at sobra ka kung makapagpost sa Multiply/Facebook/Frienster/Wordpress mo.
- Reklamo ka rin sa dami ng readings!
- Pero fulfilling sa lahat ay nang natapos mo na yung dalawang semestre. Dalawang buwan ulit ng pahinga kasama ang pamilyang inuutusan ka (re: Dursleys).


2. Harry Potter and the Chamber of Secrets
- Marami kang madidiskubreng sikreto sa eskwelahan.
- Malalaman mong Freshie lang talaga ang nagsusuot ng ID nila at naglalakad sa corridor in "packs."
- Matutuwa ka sa kamangmangan nila sa school at nakikisali ka sa pag-loko sa ibang higher classes na ang TBA ay ang building na nasa likod ng HKP.
- Kagaya ni Harry Potter, makakatagpo ka ng kung anu-ano: notebook, bluebook, classcards, ballpen, payong - at iuuwi mo ito kasi ID at Library book lang naman ang ibinabalik sa lost and found. Ang walet kapag nawala, malamang, nadukutan ka na.
- Mararanasan mo rin na magkaroon ng "Ron" na ayos lang na matulog ka sa bahay nila.
- Magkakaroon ka ng kaibigan ng "Hermione" na grade conscious.
- Mapapagalitan ka ng teacher at feeling mo meron ka nang Snape na umaaligid palagi sayo.


3. Harry Potter and the Prisoner of Azkaban
- Hindi ka gaganahang pumasok dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isipan mo.
- Third year ka na kaya nasa border ka ng desisyon kung magtitino ka o hindi. Iisipin mo kasi may isang taon pa naman.
- Kagaya ng Knight Bus, adik ka na rin sa Joyride papunta at pabalik ng Baguio. Minsan gusto mo rin pumunta ng Asin, o ng La Union, para lang magswimming - kasi marami kang pera ng weekend na 'yun.
- May mga kamag-anak ka rin kung minsan na makikilala - o kung hindi man ay schoolmate mo pala, or biglang 'yung kakilala mo nung high school, kakilala na pala ng schoolmate ng kaibigan mo dati. Gaya nga ng nasabi ko, Intersecting Social Circles.
- Death Eaters at Dementors. May mga subjects kang ibabagsak ng hindi mo alam. Malamig rin sa Baguio all of a sudden. Siguro naghahanap ka na ng lovelife - o ng bagong lovelife. Naks!



4. Harry Potter and the Goblet of Fire
- Kumbaga sa Triwizard Cup, ito na 'yung panahon na ipaglalaban mo na pumasa. Kasi 'yung ilan sa kakilala mo, paalis na. Feel na feel mo na cheer ng cheer ang mga tao na umalis ka na sa UP. Kaso malupit ang kapalaran. Nabuhay si He-Who-Must-Not-Be-Named. Nag-inarte ka at tinawag mo niyang Voldemort. Ayan tuloy, may nabagsak ka ulit, o nag-shift, o nag-LOA, o nanganak, at magkikita daw ulit ako ni UP sa susunod na taon.










5. Harry Potter and the Order of the Phoenix
- Nung akala mo na walang-wala ka na. Aba! May ilalaban pa pala! At nariyan pa rin ang ilan sa iyong mga kaibigan para suportahan ka! Sa sobrang mahal nila sa'yo, sinamahan ka nila at mukhang sasamahan ka pa nila sa mga susunod pang mga taon.
- May mag-iinarteng Prinsipe o teacher na magpaparinig na umalis ka na ng UP. Joke-joke lang 'yung tono niya at aaminin niya sayo na joke lang 'yun. Pero sa totoo lang ay totoo naman 'yung sinasabi niya. Under normal circumstances dapat magtatagal ka sa UP ng kung ano man ang required sa course mo. Adik ka kapag 3 and a half ka. Pero minsan, hindi rin naman kailangan pagmadaliin ang graduation. May dalawang taon pa.
- Namatay rin pala si Sirius ng taon na ito. Ganoon rin, may ilang batchmates kang mawawala bigla. Hindi na nakayanan ang UP o ang pagtaas ng tuition nito. Joke lang sa admin na makakabasa. :)

6. Harry Potter and the Half-Blood Prince
- Kagaya ni Albus Dumbledore at Harry Potter, mag-flashback ka rin sa mga ginawa mo sa buhay mo na mali at kung ano ang tama. Mag-hanap ng clues para malaman kung ano ang gustong ipaalam sayo ng UP. May iba na ang maiintindihan nila ay dapat sumuko na sila sa pag-aaral sa UP; May iba naman na sasabihin na kaya pa, last chance na nga naman kasi ang next year kung pumalpak pa 'tong taon na 'to.
- Papalpak nag dahil mawawala si Dumbledore - o kung sino man na kaibigan mo dahil a) tinanggal siya ng isang Snape (teacher), b) kinakailangan na niya ring magtrabaho, c) nag-MIA sayo ang gago.








7. Harry Potter and the Deathly Hallows
- Deathly Hallows indeed! Kasi kung hindi ka magtitino, kung hindi mo aayusin ang buhay mo - ikaw ang patay sa magulang mo.
- Alam na ninyo naman 'to. Syempre, hindi ka magpapatalo. Ikaw pa. Pumasa ka ng UPCAT eh. Panindigan mo naman. Naks!













IKAW? Hanggang saan ka'ng libro ni J.K. Rowling nang nakapagtapos?
(salamat pala sa google.com // hindi ko na mahanap ang source ng bawat litrato. sana hindi ako makasuhan ng plagiarism)

No comments:

Post a Comment