Wednesday, 21 September 2011

Para sa mga UP Baguio Student Organizations

Napakadaming organisasyon sa UP Baguio. Parang hindi makatarungan. Ang liit naman nung campus (kumpara sa ibang eskwelahan) pero lahat ata ng aspeto ng lipunan gustong irepresenta. Kaya gumawa ako ng guidelines:


20 TANONG KUNG DAPAT PA BANG MANATILING ISANG RECOGNIZED ORG KAYO SA UP BAGUIO

1 Sapat ba ang miyembro mo?

2 Anong pinagkaiba ng org na ito sa isa ninyo pang org na halos kayu-kayo rin ang miyembro? (follow up question) Bakit pa kinakailangan pang ibang organisasyon pa?

3 Ilan ang proyekto niyong may kinalaman talaga sa pagkakatatag ng organisasyon ninyo? (i.e. food sale) Balak ninyo bang agawan ng mamimili si Manang Mani? Mapaliwanag.

4 Sigurado ka bang org yan at hindi isang underground fraternity, sorority o confraternity? Ang sinungaling machi-tsismis.

5 Anong ibig sabihin ng logo ninyo? Pauso lamang ba ito?

6 Anung significance ng org hand shake ninyo sa mission at vision ng org ninyo?

7 Walang neutral at nasa UP kayo at dapat may paninindigan – leftist ba kayo o pro-government?

8 Nasaan ang tambayan ninyo on at off campus?

9 Lahat ba ng miyembro ay umaatend ng org meeting o ghost member lang ang iba sa inyo?

10 Proud ba ang alumni ninyo sa inyo?

11 Sino ang nag-isip ng pangalan ng org ninyo?

12 Kung iisa-isahin ang bawat miyembro ng tanong ukol sa org, makasasagot ba sila ng matino?

13 Ang org ba ninyo ay gumagawa ng mga proyekto na may kinalaman ang mga tao na nasa labas ng UP? Bakit o bakit hindi?

14 May kaaway ba kayo na ibang organisayon? Bakit meron o bakit wala?

15 Bakit o bakit hindi kawalan ito ng UP kung hindi kayo marerecognize bilang isang organisasyon?

16 Kung bibigyan ang org ninyo ng kapangyarihan na magtanggal ng isang organisasyon sa UP baguio, ano ito at bakit?

17 Anong imahe ng org ninyo sa mga estudyanteng wala pang organisasyon? Totoo ba ito?

18 Magbigay ng mga chismis tungkol sa inyong organisasyon – linawin ang mga ito at magbigay ng ideya kung bakit may chismis na ganito.

19 Naniniwala ka bang consistent ang organisasyon mo sa mga prinsipyo nito? Bakit o bakit hindi?

20 Panahon mo na upang magbigay ng ibang impormasyon ukol sa iyong organisasyon. Ilahad ito ng hindi lalagpas sa 5 pangungusap.


Kung hindi makasagot ng tama. Mabuti nang mabuwag na kayo. Nakakahiya. ~ ang org na matamaan, hindi ko kasalanan. Ganyan din sa ibang eskwelahan – wag isiping tinitira kayo.

Ang unang mapikon . . . papalakpakan.

No comments:

Post a Comment