Nagbago akong isip at iba na lang ang introduction nito. Octubre na. At hindi isyu ngayon ang pagkakaroon ng pagkaka-abalahan dahil sa costume parties or trick-or-treat sa Halloween. Ang isyu ay ang pagkakaroon ng magandang Creative Picture sa Yearbook na matatandaan ng lahat na pinakamaganda at tumalbog sa mga walang-kwenta nilang creative picture.
Gumawa ako ng listahan upang magkaroon naman ng ideya ang iba ng kung ano ang MAGANDANG CREATIVE PICTURE (in no particular order):
Disney Classics Photoshoot
Oras na para maging creative at gayahin ang aktual na costume ng mga karakter sa childhood fantasies ng lahat ng naging bata - o magpasa-hanggang ngayon ay isip bata. Kung gagawin ang Disney Creative, siguraduhin naman na maayos at tama ang pagkaka-portray. Bigyan ang hustisya ang pangarap ng iba. Uno o Singko lang ang bagsak nito. Ibig sabihin, kapag hindi mo nagawa ng maayos, pagtatawanan ka - kahit ng Nanay at Tatay mo.
Filipiniana
Nothing beats the present but the awesomeness of the past. Naks! Gawa ko 'yan. Pero totoo. Oras na para maghanap ng mga portrait nila Lolo o Lola o ng mga ninuno para magaya para sa iyong Creative Picture. Ito 'yung mga klase ng litrato na hindi ka nakatingin sa kamera at automatic na Sepia ang filter ng kamera. Hindi mo kailangang gayahin ang konsepto ng mga Kano na "classic." May sarili tayo at ipagmalaki mo iyon.
House Chores
Wala pang gumagawa nito at mas creative kapag ikaw ang pinaka-una. Subukan ang mga ilan sa mga sumusunod na ginagawa mo na kinuhanan ka ng litrato:
a) naglalaba,
b) nagsasampay,
c) nag-huhugas ng pinagkainan,
d) nagluluto,
e) namamalantsa,
f) nagtitiklop ng sinampay,
g) nag-pipintura ng dingding
h) nagwawalis,
i) nagbubunot ng sahig,
j) nagfo-floor wax
At marami pang iba! :D
Pop Culture (Music)
Iba na ang feeling kapag napa-wow mo ang iyong mga batchmates - lalo na kapag nainggit sila sa ginawa mo. Sa pagkakataong ito, gayahin ang mga kilalang Pop Star ng isang specific na henerasyon. Maaaring ito ay si Madonna, Kiss, Michael Jackson o si Lady Gaga. Kung wala sa mga nabanggit, siguraduhin lamang na ang gagayahin na Pop Music Icon ay kilala rin sa isang specific na "look" o imahe. Hindi mo rin naman kasi magagaya si Francis M., Andrew E., Jolina, Tootsi Guevarra, o si Chito Miranda. Magmumukha kang jologs. Promise.
Philippine Literature Inspired
Nationalist ang drama mo? Edi go na sa mga Philippine Literature inspired. Gayahin si Lam-ang, Urduja o kahit sino pa na mula sa Florante at Laura. Walang masama sa ganun - basta siguraduhin na alam ng lahat ang ginagawa mo at hindi ka mukhang nag-imbento ng Alamat ng Sarili Mo. Have fun, pero huwag hayaan na mukhang pinaglalaruan mo ang kulturang Pilipino.
Famous Painting or Sculpture
Kung napull-off mo 'to, mukha bang may tatalo pa sayo?
Mascot
Dahil ang linya ng creative at nakakatawa ay halos magkadikit lang, masaya na magmumukha kang tanga sa pagsuot ng mascot-costume at gagawa ng pose na sobrang nakakatawa habang wholesome pa rin. Maaalala ito ng mga batchmates mo dahil sa mga katarantaduhan mo habang nasa photoshoot at hindi sa end photo na makikita nila sa yearbook - ganoon ka rin naman at matutwua ka pa rin. Babala: Kung gagamit ng actual na mascot ng isang fast food chain, iwasan ang mga bastos na pagkuha ng litrato - kahit na pang-lokohan lang. Alam niyo yan. :)
Anything na Unrecognizable Ka
Hindi nagrerely sa photo-shop pero astig pa rin! 'Yun ang creative picture. Seryoso, kahit sino mapapa-standing ovation sa gagawin mo.
The "Oh My Gosh" Picture
Simple lang, dapat kapag nakita ito ng mga batchmates mo o kahit na sino pa ay ma-papa"Oh My Gosh" sila. Ito 'yung klase ng mga litrato na kahit anong gawin nila ay mahihirapan sila makalimutan. Hindi traumatic pero astig pa rin!
:)