Friday, 7 October 2011

Teacher Waiting as a UP Culture

Naaalala ko nung estudyante pa ako, marami akong oras na ginugol sa:

  1. Pagpapa-photocopy
  2. Tumambay
  3. Mag-basa ng readings
  4. Mag-lakad sa campus
  5. Pagpu-puyat
  6. Mag-internet habang nagre-research dapat; at
  7. MAGHINTAY SA TEACHER
Siguro nasa kultura nga naman na ng UP ang biglaang nawawala ang mga teacher sa mga consultation hours nila. Pero ang wirdo lang kasi na magsasabi sila ng oras sa kalse nila na madali silang makikita upang makausap ukol sa university life o ng kanilang standing sa klase subalit NAWAWALA SILA.

Hindi naman ako galit, ineemphasize ko lang kasi na nagsayang ako sa oras na sana'y naka-tulog ako noon - kasi NORMAL SA MGA TAGA-UP ANG PUYAT. Bastos rin naman kung matutulog ka sa may tapat ng faculty - sa tingin ko.

Pero siguro hindi rin naman kasi tama iyon. Naalala ko na minsang may guro ako na nagsasabing kailangan ko siyang puntahan sa office niya ng alas-dos ng hapon subalit alas-kwatro na siya dumating dahil nag-kape pa siya kasama ng ibang teacher na wala namang ginagawa.

Sayang na oras. Maraming nasasayang na oras sa paghihintay. Pero bilang estudyante ka, wala ka kasing magagawa. Kung inaabuso ng iba ang pagiging estudyante mo, wala ka ring magagawa kung gusto mo talaga ng matinong grado. Minsan magpapaka-gago ka lang. Minsan, magdadala ka na lang ng kasama (libro, kaibigan, rubix cube) para malaro habang naghihintay.

Gaga Items

Bumabagabag sa akin ang maling pag-gamit ngayon ng mga estudyante sa salitang Lady Gaga bilang adjective sa kahit anong kakaiba.

Hindi kasi ganoon iyon at hindi naman siguro pinangarap ni Lady Gaga na i-connect sa kaniya lahat ng bagay.

Uso ngayon ang pag-termino sa kahit anong kakaiba na bilang "Lady Gaga" or "Gaga Items." Hindi kasi ganoon iyon. Ang pag-label sa isang bagay bilang ganoon ay katangahan. Ang isang bagay ay siyang dapat lamang tawagin na Lady Gaga-ish o isang Gaga Item kung nakita mo na minsang sinuot na ito ni Lady Gaga.

Hindi na kasi bago ang pagsuot ng kakaiba. Nagsusuot rin naman ng kakaiba si Katy Perry, si Nicki Minaj, o kahit si Beyonce. Wake up.

Hindi lahat ng kumikinang o hindi lahat ng kakaiba ay isang Gaga Item. Think properly, please. Wag kasing gumamit ng terminong hindi mo naman alam gamitin. :)