Mas padaliin natin ang usapan. Ibahin natin ang nakasanayang format.
1 – Ang artikulong ito ay papangalanang “Intersecting Social Circles.”
2 – Ang artikulong ito ay sasakop lamang sa mga estudyante at ilang piliping guro ng UP Baguio.
3.1 – Ang termingong “Social Circle” ay tumutukoy sa mga kaibigan, kakilala, naging-katipan o kahit ano pang may kinalaman na termino, ng isang estudyante.
3.2 – Ang ilan sa mga madalas na mga “Social Circles” ay: (a) blockmates, (b) batchmates, (c) classmates, (d) kaaway, (e) orgmates, (d) brod o sis sa fraternity o sorority, (e) political party-mates, (f) housemates, (g) co-collegemates, (h) ka-banda, (i) ka-building, (j) exboyfriends o exgirlfriends, (k) manliligaw; at (l) kapitbahay.
4.1 – Ang artikulong ito ay nagsasaad, sa kabuuan, na ang mga Social Circles ng mga estudyante o guro sa UP Baguio ay halos magkaka-kilala o “intersecting.”
4.2 – Ang ibig sabihin ng “intersecting” ay ilan sa mga sumusunod:
4.2.a – Ang dating maninigaw ay siya nang nanliligaw sa kapitbahay ng dating kaaway.
4.2.b – Ang karamihan ng batchmates ng isang estudyante ay siya nang kaaway ng isang fraternity. Habang ang fraternity ay kaibigan ng nasabing estudyante dahil sa koneksyon nito sa magkaparehong kanilang political party.
4.2.c – Ang kapitbahay ng isang estudyante ay blockmates ng kaaway ng nasabing estudyante.
5 – Ang pagkakaroon ng Intersecting Social Circles ay hindi masama.
6 – Ang pagkakaroon ng Intsersecting Social Circles ay pruweba lamang “maliit ang mundo” ng mga guro at estudyante – lalo na kung ang guro ay dating estudyante ng UP Baguio.
7 – Ang Intersecting Social Circles rin ay isang clue ng mga ilang estudyante sa tuwing may chismis sa UP Baguio.
8 – Ang isang masama sa mga Intersecting Social Circles ay dahil kapag naipit ka sa gitna ng nag-aaway mong Social Circles.
8.a – Hindi obligado ang isang indibidwal na ayusin ang away sa pagitan ng dalawang kinabibilangan – na nag-aaway – na Social Circles.
Okay. Balik na ko sa aking ginagawa.
(tinapos ng 9:38pm kagabi, subalit hindi nai-post dahil pinutol ni Pedring ang matino ko na internet connection)