Friday, 28 October 2011

Art for the Day: Juan Luna - Tampuhan - 1895

dahil kailangan nating matutong i-appreciate ang sariling atin. :)

Halloween Costumes

Aminin mo. Kahit matanda ka na, gusto mo pa rin makiisa sa pagsusuot ng costume kapag Halloween. At syempre, bakit naman hindi ako magpaphuli sa mga ganitong okasyon. Narito ang ilan sa mga naiiisip ko na pwede mong gawin na costume:

1. Go GAGA. Magsoot ng kahit anong outrageous. Kailangang kumikinang, or pastel, or out of this world. Magkulay ng buhok. Ay magsuot ng sapatos na masasabihan ka na tatanga-tanga kung madapa. Hindi naman kailangang nakakatakot.

2. Baguio Barrel Man / Woman. Kung gusto mo naman ng nakakatakot, effective ito. Kasi mas nakakatakot kung tatanggalin mo / matatanggal yung Barrel at wala ka talagang suot sa loob.

3. Gandalf / Dumbledore. Mabibigyan ka ng candy or mananalo ka sa costume contest kasi nag-effort ka.

4. Playboy Bunny. Para sa mga babae, effective ito kasi sabi nga sa Mean Girls, oras ito na magpaka-sex / daring at legal iyon. Ilabas ang mga revealing na lingerie or undies. Have fun, girls. :)

5. Tarzan. Para sa mga lalaki, obvious naman. Para ka lang naka-boxers. Mas cute kung may mukha ng tiger o lion sa harapan ng boxers para hindi naman nakaka-bahala. Have fun, boys. :)

6. Comic Superheroes. Classic pa rin ang panggagaya ng mga nakikita mo sa kung saan. Pwede kang maging si Superman, Darna o kahit pa si Zwardina. Kung may karapatang maging superhero ang mga lalaki at babae, ganoon rin ang mga bading. Hindi ko lang alam kung ano ang bagay sa mga lesbiana.

7. Prutas. Masaya ito kasi nakakapang-gago. Kung hindi prutas, masaya rin kung isa kang malaking cup cake.

8. Mascot. Kung magaling ka, magagawa mo ito at maraming magpapa-picture sa iyo. :)

9. Edward Cullen. Para hindi na kinakailangan pa mag-effort. Maglagay ng baby powder at glitter sa katawan. Makakatulong rin ang konting lipstick mula kay Nanay.

10. Isabella Swan. Kung mahaba ang buhok, mag-drugs ka lang. Pwede na 'yun. Kung walang drugs, maaaring huwag matulog ng dalawang araw.

11. Oblation. Mga Isko at Iska, moment ninyo 'to!

Tuesday, 25 October 2011

Enrollment Tips

Sa darating na Nov 3, umpisa na ng enrollment sa mga seniors sa UP Baguio. Enrollment. Kapag ganito ang usapan, at kahit sabihin natin na ang mga Isko at Iska at makabayan, mayroon at mayroong maggugulangan.

Uso sa panahong ito ang pag-singit sa pila. Uso rin ang inggitan kung sino ang unang natapos makapag-enroll. Uso ang mautak. Ang mga hindi marunong, aabot ng dalawa hanggang tatlong araw para lamang makapag-enroll.

Kara narito ang ilan sa mga natutunan ko na maaari ninyong gawin sa darating na enrollment:


1. Know the basics. Kailangan alam mo kung ano ang sunud-sunod na proseso sa enrollment. Wag kang umasa na alam mo ang gagawin dahil nagawa mo na noong nakaraang semestre. Kumuha ng resfresher course kung kinakailangan. Kapag alam mo na 'to, hindi ka mahihirapan na magpasikut-sikot.

2. Know your strengths and weaknesses. Alamin kung ano kailangan mong mga subjects. Alamin lalo ang mga subjects na hindi mo kailangan subalit kailangan ng iba. Alalahanin ang iyong mga kaibigan, kakulitan at kaharutan. Makakatulong lahat ng mga ginawa mo sa UP sa kahit ano. Totoo yan.

3. Dress Up. Malaki ang tiyansa na magpapabalik-balik sa sa buong campus (at kung minsan ay aabot ka pa sa SM para magwithdraw). Maghanda na. Siguraduhin na may perang dala, may load ang cellphone (kung sakaling hindi pa nagpapadala sina nanay o tatay). Huwag rin magdamit na para kang nasa fashion show. Makikipag-gitgitan ka sa mag tao. Pagpapawisan ka. Enrollment ang pinasukan mo, walang talent scout sa panahong ito. Mahusay rin kung hindi ka na kinakailangan pang manghiram ng bolpen o nagdala ng bag na kinakailangang hawakan. Backpack o messenger bag ay mainam.

4. Reservation. Itext na ang kaibigan o kakilala na reserbahan ka sa pila ng lugar. Kaya hindi mo kinakailangang magdala ng maraming gamit - kasi halatang-halata ang iyong pagsingit sa pila.

5. Listahan. Kung may listahan o numerong ibibigay sa mga tao, wala kang laban doon. Pero walang laban sayo ang kaibigan mo kung tinext mo siya ng maaga pa lang na sisingit ka sa pila. Iintindihin ka niya.

6. Matutong dumedma. Mayroon at mayroong magagalit na "diumano'y" sumingit o nagpasingit ka. Matutuong dumedma, lalo na kung hindi mo naman kilala. Huwag damdamin. Wala pa namang nagtanim ng galit dahil naki-singit ka. Ang babaw nila.

7. Clearance. Ang clearnace ay maaaring kunin ng isang araw na mas maaga. Kung maaari mo nang kunin ang sa iyo ay mahusay. One step ahead ka sa iba.

8. Friends with Benefits. Matutong makipaglandian para makasingit. May mga minsang nagkagusto sayo na isisingit ka sa pila dahil type ka pa rin nila.

9. Teachers with Benefits. Kung sakaling naubusan ng slot sa isang klase, asahan na mapapakiusapan mo ang mga teacher mo na pasisingitin ka sa klase nila dahil kaibigan mo sila. Favoritism? Hindi. Ganun lang talaga kapag type ka nila ~ maging estudyente. Bibbo ka kasi eh.

10. Admin with Benefits. May mga taga-admin na handang tulungan ka sa panahon na mukha ka nang naka-drugs. Ayos ito. Subalit huwag abusuhin.

11. Cancel and Trade. Nagkataon ba na nagkaroon ka ng sobrang subject (na nakuha mo na pala o ayaw mo sa teacher) subalit may kailangan ka pa na ibang subject? Hanapin ang iyong exact opposite (kailangan niya ang icacancel mo na subject at kailangan mo ang icacancel niya). Makakatipid kayo sa pila. Makakatipid kayo sa oras.

12. Magpasalamat. Magpasalamat sa lahat ng tutulong sayo. Next enrollment, siguradong magtutulungan rin naman ulit kayo.

State of Contemporary Dance in the Philippines

Ang sayaw ng Pilipino ay may karakter ng sigla at bilis. Nariyan ang mga Tinikling, Lapay Pandique, Sayaw sa Bao, pati Ati-atihan - na tumatalo sa ibang sayaw sa pagkaka-kilala dahil humahakot ito ng manunuod (simula sa mga bata at hanggang sa mga humihiling na bata pa sila). Sa larangan ng mga international dance na nakaimpluwensiya na rin sa Pilipinas, mas napapa-lingon ang mga manunuod sa mga gumagawa ng Hip-Hop, Cheerdance, Jazz, Chacha at Swing. Dahil dito. hindi na rin siguro ngayon na nakapagtataka na ang Contemporary Dance sa Pilipinas ay hindi mainam na gawing talent sa kahit anong competition.

Sisisihin ba natin ang High School?
Marami sa atin ang naka-kilala lamang sa Contemporary dance noong high school lamang. Interpretative dance sa tingin ng simpleng Pinoy, nagkaroon tuloy ng pananaw na napaka-daling gawin ang Contemporary dance dahil ang mga high schoolers lamang ang kilala sa paggawa nito. O sana lamang ay alam ng mga nasa high school na ang ginagawa nila ay wala pa sa katiting ng kung ano ang Contemporary dance sa kolehiyo at sa propesyonal na buhay. Subalit hindi mo rin naman masisisi na kilala lamang ang Contemporary Dance sa ganitong paraan. Mabuti na 'yun kaysa sa wala.

Talent Shows
Halatang halata na hindi patok sa audience ang Contemporary Dance dahil wala pa yatang kilalang talent show na nakapagpa-panalo ng grupo na nag-perform ng ganitong genre ng pagsasasayaw. Out of this world dapat ang quality ng performance. 'Yung para bang Lumilipad sa ere, kumakain ng buhay na manok, kung hindi man ay nakakapagpa-buhay ng patay. Ganoon ang quality na gusto ng Pinoy para lamang sabihin world class. Siguro ay kailangan muna ng isang Half-Pilipino na sumikat bago tayo tumangkilik. Wala kasi tayong initiative kung minsan. Nakiki-sali kung minsan ang Pinoy sa kung ano lang ang uso.

So You Think You Can Dance - Philippines.
Sa kakaibang tingin ng mga Pinoy sa Contemporary Dance, hindi na ako aasa na magkakaroon ng So You Can Think You Can Dance Philippines. Ang talento sa pagsasayaw ay hindi lamang sa pagkaka-alam sa isang sayaw subalit sa pagkakaroon ng flexibility sa sayaw. Ganoon katindi 'yun at kasama sa pamantayan ang Contemporary Dance sa So You Think You Can Dance. Kakaiba ang mga Pilipino maka-intindi. Aminin na natin: Hindi kasama sa Pop Culture ang Contemporary Dance kasi hindi ito madaling intindihin kapag pinanuod (lalo na kung iba ang kanta sa interpretasyon gamit ang choreography). Walang masama doon. Pero sayang lang kasi.

Pang-Buklod
Aasa na lamang siguro ang mga mahilig sa Contemporary Dance na mapansin ng Media ang isang Pinoy (o half-Pinoy) na makilala sa ibang bansa. Saka atin makikita ang Contemporary Dance sa TV at papalakpakan at hihiyawan ng tao.

(marami pa akong pwedeng sabihin pero 'yan na lamang muna.)

UP BAGUIO POST-IT #006

Sunday, 23 October 2011

Broken Bucket List

Noong nag-extend ako (bago pa ako mag-enroll sa thesis ko), naisip ko na gumawa ako ng bucket list. Kaso hindi nangyari iyon. Naisip ko kasi na kagaya ng naudlot kong graduation, madidisappoint ko lang ang sarili ko na hindi ko magagawa ang mga bagay na isusulat ko. Kaya ngayon, isusulat ko na lang ang:

MGA BAGAY NA SANA GINAWA KO NOONG NASA KOLEHIYO AKO:
1. Kumain ng chicharon sa classroom.
2. Magpasa ng 10 page essay sa halip na one page lamang.
3. Matulog sa klase.
4. Kumuha ng picture ng teacher/prof habang nagsasalita siya sa harapan.
5. Mag-walk out ng walang dahilan.
6. Mag-disagree sa nga sasabihin ng mga kaklase sa loob ng isang buong araw.
7. Mag-overnight sa eskwelahan.
8. Kindatan ang Department Head/Chair.
9. Threesome.
10. Halikan ang same sex na kaibigan sa lips.
11. Uminom for 5 days straight.
12. Tumambay sa Andok's ng 3 oras.
13. Tumambay sa 7-eleven simula 1am hanggang 7am.
14. Mag-yosi ng isang pack ng Marlboro na pula sa isang buong araw.
15. Sabihin sa crush ko na mahal ko siya para iwasan na niya ako for good.

Real-time Posting

Real-time posting.

'Yan siguro ang isa sa mapapansin ninyo sa blog ko. Hindi ko kailanman binura o binago ang mga sinabi ko na nai-post na noong nakaraang araw. Ang mga typographical errors (kung meron man) ay hindi ko na babaguhin kung matagal ang pagitan ng pag-post at pag-kaka-kita.

Real-time posting.

Ang pag post ng aking mga sinasabi dito ay kagaya lamang ng pagsasabi ko ng mga salita kung paano niyo ako kakausapin  sa personal. Hindi naman kasi nararapat na pulido. 'Yun ang maganda. Kasi may mali. Hindi ninyo gugustuhing mabuhay sa mundong perpekto - kasi hindi mo mararamdaman na minsan kang tama. Kasi planado na lahat.

Real-time posting.

Sabi sa twitter at  sa facebook, think before you click. Pero sa akin, think before typing. Mas malaki ang kapalit noon dahil ang disiplina sa sarili ang nagiging mahalaga. Mapapaisip ka munakung ano lamang ang dapat lumabas sa bibig at kung ano ang nararapat manatili sa utak - kung ano ang dapat pag-isipan pa.

Marami ang pwede ninyong isumbat sa akin dahil ganoon iba ang kaso ng internet at realidad. Subalit gusto ko pa ring mabuhay sa realidad - na wala akong karapatang isipin kung tama ba ang pag-click. Kasi ang responsibilidad mo ay nasa pag-iisip sa mga ginawa mo bago ka napaisip sa pag-click.

Monday, 10 October 2011

Sembreak

Pinag-iispan ko magpahinga muna dahil ganito na rin naman ang buhay estudyante. Kapag sem break, break lahat: lovelife, acads, pagma-mature at marami pang iba.

Kapag sem break, anong nage-break sa buhay mo?

Minsan naman eto na rin pala ang senyales na kailangan nang maghanap nang maghanap ng trabaho ng mga mayayabang na Octoberians.

Goodluck sa ating lahat. :)

Saturday, 8 October 2011

Balitang Ina. Balitang Kagaguhan lamang # 001

babala: baka mali nanaman ang intindi ninyo, ang balitang ito ay kalokohan lamang.

* * *

Patuloy ang pag-laban ng mga Isko! Dahil sa mahusay na numero ng estudyante ang sumuporta sa pambansang walkout na naghahain ng mas malaking pondo sa edukasyon ng Student Council ng UP Baguio (hereon termed as UPB-USC) noong nakaraang 23 Setyembre 2011, gumawa muli ng hakbang ang UPB-USC upang ipagpatuloy ang nasimulang protesta noong ika-5 ng Oktubre sa UP Baguio Oblation grounds.

Sa isang panayam sa bise-presidente ng Konseho na si Isaac Galang, sinabi niya na ginawa ito ng UPB-USC upang ipaalam sa lahat na hindi natatapos ang laban sa pag-intindi sa hindi nakikinig na gobyerno na kailangan ng bawat SUC's ang hinihingi nitong budget allocation.

Marming pumunta na grupo ng estudyante sa programa, kasama na rin ang ilang guro - na hindi natinag sa maputik na Oblation Grounds at mahamog na hangin.

Dagdag pa Deg Daupan, Chairperson ng UPB-USC, kailangan talaga ang pondong hinihingi ng bawat eskwelahan dahil kailangan ito ng bawat estudyante kasama na rin ang mga guro at iba pang sektor na bumubuo sa bawat SUC's sa bansa.

Ani ng isa sa taga-UPB-USC na ayaw ipaalam sa madla ang pangalan, "Mahiya naman ang gobyerno sa ginagawa nila. Tignan mo nga't ilaw ng mga kotse lamang ang ilaw natin sa programa natin. Baka sa susunod out of print na ang Bluebook. Hihimatayin na ko, grabe."

* * *

Isa pa. Baka mali nanaman ang intindi ninyo, ang balitang ito ay kalokohan lamang.

Friday, 7 October 2011

Teacher Waiting as a UP Culture

Naaalala ko nung estudyante pa ako, marami akong oras na ginugol sa:

  1. Pagpapa-photocopy
  2. Tumambay
  3. Mag-basa ng readings
  4. Mag-lakad sa campus
  5. Pagpu-puyat
  6. Mag-internet habang nagre-research dapat; at
  7. MAGHINTAY SA TEACHER
Siguro nasa kultura nga naman na ng UP ang biglaang nawawala ang mga teacher sa mga consultation hours nila. Pero ang wirdo lang kasi na magsasabi sila ng oras sa kalse nila na madali silang makikita upang makausap ukol sa university life o ng kanilang standing sa klase subalit NAWAWALA SILA.

Hindi naman ako galit, ineemphasize ko lang kasi na nagsayang ako sa oras na sana'y naka-tulog ako noon - kasi NORMAL SA MGA TAGA-UP ANG PUYAT. Bastos rin naman kung matutulog ka sa may tapat ng faculty - sa tingin ko.

Pero siguro hindi rin naman kasi tama iyon. Naalala ko na minsang may guro ako na nagsasabing kailangan ko siyang puntahan sa office niya ng alas-dos ng hapon subalit alas-kwatro na siya dumating dahil nag-kape pa siya kasama ng ibang teacher na wala namang ginagawa.

Sayang na oras. Maraming nasasayang na oras sa paghihintay. Pero bilang estudyante ka, wala ka kasing magagawa. Kung inaabuso ng iba ang pagiging estudyante mo, wala ka ring magagawa kung gusto mo talaga ng matinong grado. Minsan magpapaka-gago ka lang. Minsan, magdadala ka na lang ng kasama (libro, kaibigan, rubix cube) para malaro habang naghihintay.

Gaga Items

Bumabagabag sa akin ang maling pag-gamit ngayon ng mga estudyante sa salitang Lady Gaga bilang adjective sa kahit anong kakaiba.

Hindi kasi ganoon iyon at hindi naman siguro pinangarap ni Lady Gaga na i-connect sa kaniya lahat ng bagay.

Uso ngayon ang pag-termino sa kahit anong kakaiba na bilang "Lady Gaga" or "Gaga Items." Hindi kasi ganoon iyon. Ang pag-label sa isang bagay bilang ganoon ay katangahan. Ang isang bagay ay siyang dapat lamang tawagin na Lady Gaga-ish o isang Gaga Item kung nakita mo na minsang sinuot na ito ni Lady Gaga.

Hindi na kasi bago ang pagsuot ng kakaiba. Nagsusuot rin naman ng kakaiba si Katy Perry, si Nicki Minaj, o kahit si Beyonce. Wake up.

Hindi lahat ng kumikinang o hindi lahat ng kakaiba ay isang Gaga Item. Think properly, please. Wag kasing gumamit ng terminong hindi mo naman alam gamitin. :)

Thursday, 6 October 2011

UP BAGUIO POST-IT # 007

This Picture is Worth a Thousand "Ay Tang-ina lang po."

Malamang ay nai-post na ng inyong mga kaibigan ito. 'Yung iba ngayon ninyo pa lang makikita. Ang larawan na ito ay nakita ko lamang sa Facebook na pinost ni "8 Toleran" kasama na rin ang mga description.


A couple of days ago, an embarrassing scene was played on TV when a Filipino general was carried on someone else' shoulder so he wouldn't get wet when he stepped off a banca. The American officer on the other hand waded in the water and stepped off the banca without any help. See the symbolism on why the Philippines has problems ? I think the Filipino General should be fired. How could he win the war against the Abu Sayaf? Eh, tubig lang takot na siya. Nakakahiya!! Lalong nakakahiya doon sa Kano na kasunod niya. he he he he he he he he BAGONG PEDICURE SIGURO ANG LOKO. Send this to all your friends and hopefully this will circulate para mapahiya itong General na ito.

 This Picture is Worth a Thousand "Ay Tang-ina lang po!" indeed!

The Perception of UP Students . . .

Oh thesis. Product ng buong buhay mo sa college, 'yan ang sabi ng iba. Ang sabi ko naman, kung product ng college life mo ang iyong thesis, huwag kayong magsi-tatluhan sa thesis at pahirapan ninyo naman sarili niyo.

Dati, tanggap ko pa nagkakaroon ang UP ng perception studies. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. The perception of Cordilleran students of UP Baguio towards advertisements that use Cordilleran culture to promote tourism - Ceniza, X. C.
2. The influence of personality typology on the perception and choice of leisure activities among UP Baguio students  - Lavarias, C.
3. From click to "that's great!" :camera phone obsession and multiply.com and how they revolutionize presentation of self among UP Baguio BA Communication students - Corpuz, C.
4. A study on the prevalence of social loafing among social sciences students of UP Baguio - Nembre, M. P.

Tanggap ko ang mga "the perception of" at "among UP Baguio students" thesis titles dahil hindi pa naman noon kahigpit ang research discipline sa UP Baguio (hindi ko alam kung bakit). Pero kakaiba na kasi ngayon ang mundo kaya dapat kakaiba na rin ang mga thesis.

Pinapahirapan mo ang sarili mo sa thesis kasi dapat tingnan mo kung hanggang saan ka tatatag - hanggang saan ang kaya mo. Hindi ka gagawa ng isang thesis na kaya naman gawin ng lower batch. Mahiya ka kasi maaaring ginawa lang nila ng isang linggo 'yung "pinaghirapan" mo para sa isang semsestre. Ipakita mo naman kasi na kaya mo ang mahirap - Ipakita mo naman na taga-UP ka.

Bakit ako nagagalit ng ganito? Dahil dumadami na ang mga gumagawa ng thesis in groups samantalang kaya naman ng isang tao ang ginawa/gagawin nila. Sampalin ko sila ng UP Diksyonaryong Pilipino eh. Makapal 'yun kung hindi nila alam, pakisabi na lang. :)

UP BAGUIO POST-IT # 014

Monday, 3 October 2011

UP Baguio - University Student Council on Budget Cut

Na-invite ako at ipo-promote ko dahil pupunta ako. Copy paste lang po ito galing sa event page:

UPB-USC leads a movement on October 5, 2011 at the oblation grounds, 5:30PM.
This campaign is in line with the scheduled Senate Hearing on CHED and SUC budget this coming October 4 and 6. The strike aims to unite the UPB community in getting the attention of our legislators to show our call on the government to allocate more funds to the University, other SUC’s, and the whole education sector as well.

List of activities:
SC124 class performance
UP/Education budget situationer
Reading of unity statement
Human chain
Solidarity messages
Candle lighting
Symbolic tearing of form 5

Let's Wear BLACK and bring a photocopy of form 5. 

Krismas Wishlist ni Boypren (College Edition)

I-assume natin na hindi nangyayari sa inyo ng boyfriend mo ang pre-marital sex at wholesome kayo pareho sa bansa nating masyadong nadidikta ng Simbahan (at nakikinig ka rin sa LAHAT ng payo ng iyong magulang).

Ngayon, na-assume na ng iba, gumawa ako ng listahan ng mga maaari mong ibigay sa iyong boyfriend sa darating na pasko! :D

1. DVD ng Favorite niya na Movie


2. CD ng Favorite na Banda


3. Action Figure ng Favorite na Character


4. Comic Book(s)


5. Funny / Cute na boxer shorts



6. Payong na Kakaiba


7. Libro


8. T-Shirt na Ikaw ang Nag-Design (Naks!)


9. Ipaglu-luto mo Siya


10. Oras na Kasama ang Pamilya / Barkada




Kung nagawa mo na ang lahat ng ito . . . congrats! :)

UP BAGUIO POST-IT #019

Mga Tanga ba o Mga Nagtatanga-tangahan

Badtrip 'yung ibang mga tao ngayon. Hindi ko alam kung bakit subalit totoo yata na kinakain ang lipunan ngayon ng katangahan - sa kahit anong paraan.

Case 1
May nawalang bag sa isang Bus Station at nanggagalaiti ang 24 na taong gulang dahil hindi dapat ganito ang mga nangyayari sa mga Bus Station. Hindi sinabi ng 24 na taong gulang na mga lumang damit ang nasa loob ng bag na siya rin naman niyang ipapatapon sa Maynila subalit ang kawalan ng responsibilidad ng Bus Station sa mga gamit ng mga pasahero ay mas nakakabahala. Alas-dos ng madaling araw nangyari at tulog ang karamihan ng supervisors at ang mga opisyal ng Bus Station sa kani-kanilang mga bahay - na higit kumulang dalawang oras ang layo sa Bus Station. Iilang ticket saleslady at guard ang natira na gising - at mas nagising pa nang nagsimulang magreklamo ng malakas ang 24 na taong gulang. Dahil rin sa narinig, nagsisilipatan na ng Bus Station ang ibang sana'y pasahero. Walang nagawa ang mga guard at mga babae sa ticket counter. Wala ring matinong dahilan. Gusto lamang naman marinig ng 24 na taong gulang na mag-sorry ang mga tauhan ng Bus Station at sabihin na "gagawin namin ang aming makakaya upang mahanap ang inyong gamit," subalit wala siyang narinig.

Case 2
"Miss? Miss?"
Naka-ilang tawag na si Juan sa babaeng nasa Department Store na nakatingin sa parade mga tao labas subalit ayaw ng babae tumingin.
"Miss, okay ka lang?"
Nag-phase out na yata ang babae - hanggang sa wakas ay napansin si Juan.
"May size 32 pa kayo nito?" sabi ni Juan habang hawak ang pantalon sa harap mismo ng babae.
Subalit hindi nanaman nakatingin kay Juan ang saleslady.
"Miss?" sarcastic na ang tono ni Juan.
"Po?" bumalik sa katinuan ang babae.
"Leche."
Ibinalabag ni Juan ang pantalon at umalis ng Department Store.

Case 3
Ikalimang beses na ito ni Becky na mapansin ng ibang nasa-Mall (sa loob ng isang linggo) dahil mukhang nanunulak siya ng mga taong nasa harap niya habang naglalakad. Hindi niya gusto ito dahil hindi niya gustong pag-usapan ng ibang tao. Wala rin siyang balak mambastos. Pero may mag pangyayaring tumulak lang sa kaniya.
Mahilig tumigil sa harap mismo ng escalator ang mga tao, at mag-usap kung saan sila pupunta sa loob ng Mall. Subalit kung patuloy ang numero ng tao na umaakyat o bumababa sa isang escalator, naisip ni Becky na hindi naman talaga dapat tumigil sa harap ng escalator. Unconscious man o hindi, hindi dapat humarang sa pampublikong daanan. Nang huling may gumawa sa kaniya noon, tinulak ni Becky ang gupo ng kabataan.

Common Sense. Sa patuloy na pag-ubos ng mga taong nagbabasa o manuod at makinig man lamang ng balita, nauubos na rin ang mga taong mabilis mag-isip ng tama o wasto. Iilan na lamang ang nakakapag-isip nang maayos. Iilan na lamang ang nasa tamang katinuan.

Ang punto ko lamang kasi ay ganito:
1. Kung nakaedepende ang buhay mo sa iyong trabaho, huwag kang umayos ng hindi kaaya-aya habang nagta-trabaho ka. Hindi naaawa ang boss mo kung mawalan ka ng trabaho. Mas maaawa siya sayo dahil hindi ka marunong magpahalaga ng trabaho mo.
2. Kung hindi mo alam ang gagawin, gumawa ka ng paraan upang masolusyonan ito. Hindi ka tatanga o makikipag-usap pa isa pa mong kasama na hindi man lang alam kung ano ang dapat ring gawin. Huwag magsayang ng oras. Kasi minsan, oras na rin ng iba ang sinasayang mo.
3. Kung kikilos ka sa isang pampublikong lugar, siguraduhin na hindi ka makakagambala ng iba. Kung hindi ka naman kikilos, huwag ka naman humarang sa daraanan ng iba.

Tanga ba o nagtatanga-tangahan?
Kung tanga, gawan mo ng paraan pasa masolusyonan 'yan.
Kung nagtatanga-tangahan, wag mong ipagmalaki na Pilipino ka.

Mga Patok na Creative Shots

Nagbago akong isip at iba na lang ang introduction nito. Octubre na. At hindi isyu ngayon ang pagkakaroon ng pagkaka-abalahan dahil sa costume parties or trick-or-treat sa Halloween. Ang isyu ay ang pagkakaroon ng magandang Creative Picture sa Yearbook na matatandaan ng lahat na pinakamaganda at tumalbog sa mga walang-kwenta nilang creative picture.

Gumawa ako ng listahan upang magkaroon naman ng ideya ang iba ng kung ano ang MAGANDANG CREATIVE PICTURE (in no particular order):

Disney Classics Photoshoot
Oras na para maging creative at gayahin ang aktual na costume ng mga karakter sa childhood fantasies ng lahat ng naging bata - o magpasa-hanggang ngayon ay isip bata. Kung gagawin ang Disney Creative, siguraduhin naman na maayos at tama ang pagkaka-portray. Bigyan ang hustisya ang pangarap ng iba. Uno o Singko lang ang bagsak nito. Ibig sabihin, kapag hindi mo nagawa ng maayos, pagtatawanan ka - kahit ng Nanay at Tatay mo.

Filipiniana
Nothing beats the present but the awesomeness of the past. Naks! Gawa ko 'yan. Pero totoo. Oras na para maghanap ng mga portrait nila Lolo o Lola o ng mga ninuno para magaya para sa iyong Creative Picture. Ito 'yung mga klase ng litrato na hindi ka nakatingin sa kamera at automatic na Sepia ang filter ng kamera. Hindi mo kailangang gayahin ang konsepto ng mga Kano na "classic." May sarili tayo at ipagmalaki mo iyon.

House Chores
Wala pang gumagawa nito at mas creative kapag ikaw ang pinaka-una. Subukan ang mga ilan sa mga sumusunod na ginagawa mo na kinuhanan ka ng litrato:
a) naglalaba,
b) nagsasampay,
c) nag-huhugas ng pinagkainan,
d) nagluluto,
e) namamalantsa,
f) nagtitiklop ng sinampay,
g) nag-pipintura ng dingding
h) nagwawalis,
i) nagbubunot ng sahig,
j) nagfo-floor wax
At marami pang iba! :D

Pop Culture (Music)
Iba na ang feeling kapag napa-wow mo ang iyong mga batchmates - lalo na kapag nainggit sila sa ginawa mo. Sa pagkakataong ito, gayahin ang mga kilalang Pop Star ng isang specific na henerasyon. Maaaring ito ay si Madonna, Kiss, Michael Jackson o si Lady Gaga. Kung wala sa mga nabanggit, siguraduhin lamang na ang gagayahin na  Pop Music Icon ay kilala rin sa isang specific na "look" o imahe. Hindi mo rin naman kasi magagaya si Francis M., Andrew E., Jolina, Tootsi Guevarra, o si Chito Miranda. Magmumukha kang jologs. Promise.

Philippine Literature Inspired
Nationalist ang drama mo? Edi go na sa mga Philippine Literature inspired. Gayahin si Lam-ang, Urduja o kahit sino pa na mula sa Florante at Laura. Walang masama sa ganun - basta siguraduhin na alam ng lahat ang ginagawa mo at hindi ka mukhang nag-imbento ng Alamat ng Sarili Mo. Have fun, pero huwag hayaan na mukhang pinaglalaruan mo ang kulturang Pilipino.

Famous Painting or Sculpture
Kung napull-off mo 'to, mukha bang may tatalo pa sayo?

Mascot
Dahil ang linya ng creative at nakakatawa ay halos magkadikit lang, masaya na magmumukha kang tanga sa pagsuot ng mascot-costume at gagawa ng pose na sobrang nakakatawa habang wholesome pa rin. Maaalala ito ng mga batchmates mo dahil sa mga katarantaduhan mo habang nasa photoshoot at hindi sa end photo na makikita nila sa yearbook - ganoon ka rin naman at matutwua ka pa rin. Babala: Kung gagamit ng actual na mascot ng isang fast food chain, iwasan ang mga bastos na pagkuha ng litrato - kahit na pang-lokohan lang. Alam niyo yan. :)

Anything na Unrecognizable Ka
Hindi nagrerely sa photo-shop pero astig pa rin! 'Yun ang creative picture. Seryoso, kahit sino mapapa-standing ovation sa gagawin mo.

The "Oh My Gosh" Picture
Simple lang, dapat kapag nakita ito ng mga batchmates mo o kahit na sino pa ay ma-papa"Oh My Gosh" sila. Ito 'yung klase ng mga litrato na kahit anong gawin nila ay mahihirapan sila makalimutan. Hindi traumatic pero astig pa rin!

:)