Sa darating na Nov 3, umpisa na ng enrollment sa mga seniors sa UP Baguio. Enrollment. Kapag ganito ang usapan, at kahit sabihin natin na ang mga Isko at Iska at makabayan, mayroon at mayroong maggugulangan.
Uso sa panahong ito ang pag-singit sa pila. Uso rin ang inggitan kung sino ang unang natapos makapag-enroll. Uso ang mautak. Ang mga hindi marunong, aabot ng dalawa hanggang tatlong araw para lamang makapag-enroll.
Kara narito ang ilan sa mga natutunan ko na maaari ninyong gawin sa darating na enrollment:
1. Know the basics. Kailangan alam mo kung ano ang sunud-sunod na proseso sa enrollment. Wag kang umasa na alam mo ang gagawin dahil nagawa mo na noong nakaraang semestre. Kumuha ng resfresher course kung kinakailangan. Kapag alam mo na 'to, hindi ka mahihirapan na magpasikut-sikot.
2. Know your strengths and weaknesses. Alamin kung ano kailangan mong mga subjects. Alamin lalo ang mga subjects na hindi mo kailangan subalit kailangan ng iba. Alalahanin ang iyong mga kaibigan, kakulitan at kaharutan. Makakatulong lahat ng mga ginawa mo sa UP sa kahit ano. Totoo yan.
3. Dress Up. Malaki ang tiyansa na magpapabalik-balik sa sa buong campus (at kung minsan ay aabot ka pa sa SM para magwithdraw). Maghanda na. Siguraduhin na may perang dala, may load ang cellphone (kung sakaling hindi pa nagpapadala sina nanay o tatay). Huwag rin magdamit na para kang nasa fashion show. Makikipag-gitgitan ka sa mag tao. Pagpapawisan ka. Enrollment ang pinasukan mo, walang talent scout sa panahong ito. Mahusay rin kung hindi ka na kinakailangan pang manghiram ng bolpen o nagdala ng bag na kinakailangang hawakan. Backpack o messenger bag ay mainam.
4. Reservation. Itext na ang kaibigan o kakilala na reserbahan ka sa pila ng lugar. Kaya hindi mo kinakailangang magdala ng maraming gamit - kasi halatang-halata ang iyong pagsingit sa pila.
5. Listahan. Kung may listahan o numerong ibibigay sa mga tao, wala kang laban doon. Pero walang laban sayo ang kaibigan mo kung tinext mo siya ng maaga pa lang na sisingit ka sa pila. Iintindihin ka niya.
6. Matutong dumedma. Mayroon at mayroong magagalit na "diumano'y" sumingit o nagpasingit ka. Matutuong dumedma, lalo na kung hindi mo naman kilala. Huwag damdamin. Wala pa namang nagtanim ng galit dahil naki-singit ka. Ang babaw nila.
7. Clearance. Ang clearnace ay maaaring kunin ng isang araw na mas maaga. Kung maaari mo nang kunin ang sa iyo ay mahusay. One step ahead ka sa iba.
8. Friends with Benefits. Matutong makipaglandian para makasingit. May mga minsang nagkagusto sayo na isisingit ka sa pila dahil type ka pa rin nila.
9. Teachers with Benefits. Kung sakaling naubusan ng slot sa isang klase, asahan na mapapakiusapan mo ang mga teacher mo na pasisingitin ka sa klase nila dahil kaibigan mo sila. Favoritism? Hindi. Ganun lang talaga kapag type ka nila ~ maging estudyente. Bibbo ka kasi eh.
10. Admin with Benefits. May mga taga-admin na handang tulungan ka sa panahon na mukha ka nang naka-drugs. Ayos ito. Subalit huwag abusuhin.
11. Cancel and Trade. Nagkataon ba na nagkaroon ka ng sobrang subject (na nakuha mo na pala o ayaw mo sa teacher) subalit may kailangan ka pa na ibang subject? Hanapin ang iyong exact opposite (kailangan niya ang icacancel mo na subject at kailangan mo ang icacancel niya). Makakatipid kayo sa pila. Makakatipid kayo sa oras.
12. Magpasalamat. Magpasalamat sa lahat ng tutulong sayo. Next enrollment, siguradong magtutulungan rin naman ulit kayo.
No comments:
Post a Comment