Monday, 3 October 2011

Mga Tanga ba o Mga Nagtatanga-tangahan

Badtrip 'yung ibang mga tao ngayon. Hindi ko alam kung bakit subalit totoo yata na kinakain ang lipunan ngayon ng katangahan - sa kahit anong paraan.

Case 1
May nawalang bag sa isang Bus Station at nanggagalaiti ang 24 na taong gulang dahil hindi dapat ganito ang mga nangyayari sa mga Bus Station. Hindi sinabi ng 24 na taong gulang na mga lumang damit ang nasa loob ng bag na siya rin naman niyang ipapatapon sa Maynila subalit ang kawalan ng responsibilidad ng Bus Station sa mga gamit ng mga pasahero ay mas nakakabahala. Alas-dos ng madaling araw nangyari at tulog ang karamihan ng supervisors at ang mga opisyal ng Bus Station sa kani-kanilang mga bahay - na higit kumulang dalawang oras ang layo sa Bus Station. Iilang ticket saleslady at guard ang natira na gising - at mas nagising pa nang nagsimulang magreklamo ng malakas ang 24 na taong gulang. Dahil rin sa narinig, nagsisilipatan na ng Bus Station ang ibang sana'y pasahero. Walang nagawa ang mga guard at mga babae sa ticket counter. Wala ring matinong dahilan. Gusto lamang naman marinig ng 24 na taong gulang na mag-sorry ang mga tauhan ng Bus Station at sabihin na "gagawin namin ang aming makakaya upang mahanap ang inyong gamit," subalit wala siyang narinig.

Case 2
"Miss? Miss?"
Naka-ilang tawag na si Juan sa babaeng nasa Department Store na nakatingin sa parade mga tao labas subalit ayaw ng babae tumingin.
"Miss, okay ka lang?"
Nag-phase out na yata ang babae - hanggang sa wakas ay napansin si Juan.
"May size 32 pa kayo nito?" sabi ni Juan habang hawak ang pantalon sa harap mismo ng babae.
Subalit hindi nanaman nakatingin kay Juan ang saleslady.
"Miss?" sarcastic na ang tono ni Juan.
"Po?" bumalik sa katinuan ang babae.
"Leche."
Ibinalabag ni Juan ang pantalon at umalis ng Department Store.

Case 3
Ikalimang beses na ito ni Becky na mapansin ng ibang nasa-Mall (sa loob ng isang linggo) dahil mukhang nanunulak siya ng mga taong nasa harap niya habang naglalakad. Hindi niya gusto ito dahil hindi niya gustong pag-usapan ng ibang tao. Wala rin siyang balak mambastos. Pero may mag pangyayaring tumulak lang sa kaniya.
Mahilig tumigil sa harap mismo ng escalator ang mga tao, at mag-usap kung saan sila pupunta sa loob ng Mall. Subalit kung patuloy ang numero ng tao na umaakyat o bumababa sa isang escalator, naisip ni Becky na hindi naman talaga dapat tumigil sa harap ng escalator. Unconscious man o hindi, hindi dapat humarang sa pampublikong daanan. Nang huling may gumawa sa kaniya noon, tinulak ni Becky ang gupo ng kabataan.

Common Sense. Sa patuloy na pag-ubos ng mga taong nagbabasa o manuod at makinig man lamang ng balita, nauubos na rin ang mga taong mabilis mag-isip ng tama o wasto. Iilan na lamang ang nakakapag-isip nang maayos. Iilan na lamang ang nasa tamang katinuan.

Ang punto ko lamang kasi ay ganito:
1. Kung nakaedepende ang buhay mo sa iyong trabaho, huwag kang umayos ng hindi kaaya-aya habang nagta-trabaho ka. Hindi naaawa ang boss mo kung mawalan ka ng trabaho. Mas maaawa siya sayo dahil hindi ka marunong magpahalaga ng trabaho mo.
2. Kung hindi mo alam ang gagawin, gumawa ka ng paraan upang masolusyonan ito. Hindi ka tatanga o makikipag-usap pa isa pa mong kasama na hindi man lang alam kung ano ang dapat ring gawin. Huwag magsayang ng oras. Kasi minsan, oras na rin ng iba ang sinasayang mo.
3. Kung kikilos ka sa isang pampublikong lugar, siguraduhin na hindi ka makakagambala ng iba. Kung hindi ka naman kikilos, huwag ka naman humarang sa daraanan ng iba.

Tanga ba o nagtatanga-tangahan?
Kung tanga, gawan mo ng paraan pasa masolusyonan 'yan.
Kung nagtatanga-tangahan, wag mong ipagmalaki na Pilipino ka.

No comments:

Post a Comment