Tuesday, 25 October 2011

State of Contemporary Dance in the Philippines

Ang sayaw ng Pilipino ay may karakter ng sigla at bilis. Nariyan ang mga Tinikling, Lapay Pandique, Sayaw sa Bao, pati Ati-atihan - na tumatalo sa ibang sayaw sa pagkaka-kilala dahil humahakot ito ng manunuod (simula sa mga bata at hanggang sa mga humihiling na bata pa sila). Sa larangan ng mga international dance na nakaimpluwensiya na rin sa Pilipinas, mas napapa-lingon ang mga manunuod sa mga gumagawa ng Hip-Hop, Cheerdance, Jazz, Chacha at Swing. Dahil dito. hindi na rin siguro ngayon na nakapagtataka na ang Contemporary Dance sa Pilipinas ay hindi mainam na gawing talent sa kahit anong competition.

Sisisihin ba natin ang High School?
Marami sa atin ang naka-kilala lamang sa Contemporary dance noong high school lamang. Interpretative dance sa tingin ng simpleng Pinoy, nagkaroon tuloy ng pananaw na napaka-daling gawin ang Contemporary dance dahil ang mga high schoolers lamang ang kilala sa paggawa nito. O sana lamang ay alam ng mga nasa high school na ang ginagawa nila ay wala pa sa katiting ng kung ano ang Contemporary dance sa kolehiyo at sa propesyonal na buhay. Subalit hindi mo rin naman masisisi na kilala lamang ang Contemporary Dance sa ganitong paraan. Mabuti na 'yun kaysa sa wala.

Talent Shows
Halatang halata na hindi patok sa audience ang Contemporary Dance dahil wala pa yatang kilalang talent show na nakapagpa-panalo ng grupo na nag-perform ng ganitong genre ng pagsasasayaw. Out of this world dapat ang quality ng performance. 'Yung para bang Lumilipad sa ere, kumakain ng buhay na manok, kung hindi man ay nakakapagpa-buhay ng patay. Ganoon ang quality na gusto ng Pinoy para lamang sabihin world class. Siguro ay kailangan muna ng isang Half-Pilipino na sumikat bago tayo tumangkilik. Wala kasi tayong initiative kung minsan. Nakiki-sali kung minsan ang Pinoy sa kung ano lang ang uso.

So You Think You Can Dance - Philippines.
Sa kakaibang tingin ng mga Pinoy sa Contemporary Dance, hindi na ako aasa na magkakaroon ng So You Can Think You Can Dance Philippines. Ang talento sa pagsasayaw ay hindi lamang sa pagkaka-alam sa isang sayaw subalit sa pagkakaroon ng flexibility sa sayaw. Ganoon katindi 'yun at kasama sa pamantayan ang Contemporary Dance sa So You Think You Can Dance. Kakaiba ang mga Pilipino maka-intindi. Aminin na natin: Hindi kasama sa Pop Culture ang Contemporary Dance kasi hindi ito madaling intindihin kapag pinanuod (lalo na kung iba ang kanta sa interpretasyon gamit ang choreography). Walang masama doon. Pero sayang lang kasi.

Pang-Buklod
Aasa na lamang siguro ang mga mahilig sa Contemporary Dance na mapansin ng Media ang isang Pinoy (o half-Pinoy) na makilala sa ibang bansa. Saka atin makikita ang Contemporary Dance sa TV at papalakpakan at hihiyawan ng tao.

(marami pa akong pwedeng sabihin pero 'yan na lamang muna.)

No comments:

Post a Comment