- Pagpapa-photocopy
- Tumambay
- Mag-basa ng readings
- Mag-lakad sa campus
- Pagpu-puyat
- Mag-internet habang nagre-research dapat; at
- MAGHINTAY SA TEACHER
Hindi naman ako galit, ineemphasize ko lang kasi na nagsayang ako sa oras na sana'y naka-tulog ako noon - kasi NORMAL SA MGA TAGA-UP ANG PUYAT. Bastos rin naman kung matutulog ka sa may tapat ng faculty - sa tingin ko.
Pero siguro hindi rin naman kasi tama iyon. Naalala ko na minsang may guro ako na nagsasabing kailangan ko siyang puntahan sa office niya ng alas-dos ng hapon subalit alas-kwatro na siya dumating dahil nag-kape pa siya kasama ng ibang teacher na wala namang ginagawa.
Sayang na oras. Maraming nasasayang na oras sa paghihintay. Pero bilang estudyante ka, wala ka kasing magagawa. Kung inaabuso ng iba ang pagiging estudyante mo, wala ka ring magagawa kung gusto mo talaga ng matinong grado. Minsan magpapaka-gago ka lang. Minsan, magdadala ka na lang ng kasama (libro, kaibigan, rubix cube) para malaro habang naghihintay.
No comments:
Post a Comment