Monday, 14 November 2011

UP BAGUIO POST-IT # 026

Yearbook Testimonials

Malapit na ang deadline ng testimonials ng yearbook para sa graduating batch (sa totoo lamang ay tapos na). Para sa akin, ginagawa ito para naman makita o maalala mo kung paano ka sa tingin ng iyong mga nakasalamuha noong high school.

PERO iba siguro kung ang takbo ng paghindi ng yearboook testimonial ay para lamang sa Friendster noon. 'Yung bigla na lang may naka-post sa ilalim ng profile mo. 'Yung magugulat ka na lang. Kung ganoon, magiging masaya at controversial ang yearbook - kasi literal na mababasa mo ang tingin ng tao sa'yo - hindi lang 'yung mabubuti.

Gumawa ako ng mga fake na mga Yearbook Testimonials. Nung binasa ko ulit, pakiramdam ko sana nailagay ito doon sa pahina nung mga taong unang pumasok sa isip ko.

MGA YEARBOOK TESTIMONIALS NA SANA LANG AY NASA PAHINA NG TAONG NAKA-NGITI SA KATABING LITRATO

I like this girl. She treats everyone else like she's super rich and we are sooo below her. I wish her parents know how aweful she is as a friend.

Mabait siyang tao - sa harap ng kamera. Kung hindi lang siya anak ng teacher, malamang mababa rin ang grades niya.

Hindi ko alam kung paano siya grumaduate but I think it's a miracle. Naka-apat na ulit siya ng Math1. Yuck. Congratulations pa rin. :)

For citing wikipedia as a source noong second year kami sa isang research class, nagulat ako na naka-lusot siya sa klase. Congratulations, naka-graduate ka pa.

Siguro nga ay walang paki-alam ang university sa social life ng mga estudyante. Naka-graduate siya eh. He's good in class. But not in romantic relationships. At least wala nang playboy sa university.

Ms. Org ang tawag ng iba sa kaniya. I'm surprised she graduated. Or probably naawa siguro ang university sa efforts naman niya sa extra-curricular activities. Congratulations pa rin.

He's good with research and reporting. Kaso homophobic. Sana makayanan niya ang reality.

You can rely on this person in times of need. He's always online. He can do research and DoTA at the same time! I don't know how though. You can count on this guy. Good hacker ng international journals rin!

Serously. If i wasn't coerced by this girl, no one would have written a testimonial for her. Pathetic. At least graduate ka na. Start looking for work.

Wednesday, 2 November 2011

UP BAGUIO ENROLLMENT TO CURRENT EVENTS

First day ngayon.

Naka-skedule ang mga 4th years, graduating, freshmen at pati na rin ang mga extending. Yes. Oh yes.

Ngayong araw na ito, aaminin ko, wala akong naka-planong isulat. Subalit narito ang mga balitang dapat ninyong malaman - kung gusto ninyong sabihin o mai-consider kayo na updated sa current issues ng Pilipinas:

Ang pag-ban ng Pilipinas sa mga Pilipino na nagnanais pumunta at magtrabaho sa ibang bansa; Afghanistan, Iraq, at Pakistan ang iulan sa mga ito.
Ang unti-unting pag-angat ng travel ban / travel alert ng HongKong sa Pilipinas.
Operasyon ni Arroyo.
Paghahanda ni Pacquiao sa laban niya kay Marquez.
Revilla Family and the Murder of Kin, Ram Revilla (oha, english yan).
Pagkamatay / Pagkakapatay sa ama ng mangangawit na si Charice.
Pagsisimula ng panibagong Pinoy Big Brother.

Magandang araw!

Tuesday, 1 November 2011

Art for the Day: FERNANDO AMORSOLO - Lavandera [1936]

dahil kinakailangan natin tangkilikin ang sariling atin...

Surprise, Surprise.

Happy All Souls at Saints Day sa lahat! :)

Syempre, hindi makakaligtas sa akin ang araw na ito na inaalala natin ang mga nang-iwan, iniwan at mang-iiwan (joke) sa ating mga bahay - at buhay.

Kung sa TV ay puro aksyon ng mga tatanga-tangang tao na hinahabol, hinahabol, at hahabulin ng mga mulo ~ hanggang pati sa mga zombie, gumawa ako ng mga aksyon na pwedeng gawin sa loob ng sementeryo ng ilan sa mga inyo:

1. Candle Ball Making Contest. Palakihan gumawa ng spheres na gawa sa candle wax. Maaari rin itong gawing improvised rosary.

2. Chikahan. Oh yes. Hindi tayo nawawalan ng pinagkekwentuhan, tayong mga Pilipino. Buhay at Patay, walang ligtas.

3. Pagkain. Magmimistulang foodcourt ang pinakamalaking daanan sa sementeryo. May Pizza Hut stand, Dunkin Donuts, at Master Siomai. Masaya kasi parang may food fair. Enjoy kasi parang walang namatay.

4. Ukay-Ukay Fair. Kung hindi kumakain at may challenge ng paghahanap ng best kaartihan finds. Kulang na lang magkaroon ng night market - yung tipong may per kilo ng baboy na ibinebenta.

5. Flower Festival Contest. Maakyson siguro kung gagawa ng mga parade ng o contest ng mga magagandang  bulaklak. Ang mga bulaklak, hindi pang pang-pamilya ~ pang competition na!

:)

Friday, 28 October 2011

Art for the Day: Juan Luna - Tampuhan - 1895

dahil kailangan nating matutong i-appreciate ang sariling atin. :)

Halloween Costumes

Aminin mo. Kahit matanda ka na, gusto mo pa rin makiisa sa pagsusuot ng costume kapag Halloween. At syempre, bakit naman hindi ako magpaphuli sa mga ganitong okasyon. Narito ang ilan sa mga naiiisip ko na pwede mong gawin na costume:

1. Go GAGA. Magsoot ng kahit anong outrageous. Kailangang kumikinang, or pastel, or out of this world. Magkulay ng buhok. Ay magsuot ng sapatos na masasabihan ka na tatanga-tanga kung madapa. Hindi naman kailangang nakakatakot.

2. Baguio Barrel Man / Woman. Kung gusto mo naman ng nakakatakot, effective ito. Kasi mas nakakatakot kung tatanggalin mo / matatanggal yung Barrel at wala ka talagang suot sa loob.

3. Gandalf / Dumbledore. Mabibigyan ka ng candy or mananalo ka sa costume contest kasi nag-effort ka.

4. Playboy Bunny. Para sa mga babae, effective ito kasi sabi nga sa Mean Girls, oras ito na magpaka-sex / daring at legal iyon. Ilabas ang mga revealing na lingerie or undies. Have fun, girls. :)

5. Tarzan. Para sa mga lalaki, obvious naman. Para ka lang naka-boxers. Mas cute kung may mukha ng tiger o lion sa harapan ng boxers para hindi naman nakaka-bahala. Have fun, boys. :)

6. Comic Superheroes. Classic pa rin ang panggagaya ng mga nakikita mo sa kung saan. Pwede kang maging si Superman, Darna o kahit pa si Zwardina. Kung may karapatang maging superhero ang mga lalaki at babae, ganoon rin ang mga bading. Hindi ko lang alam kung ano ang bagay sa mga lesbiana.

7. Prutas. Masaya ito kasi nakakapang-gago. Kung hindi prutas, masaya rin kung isa kang malaking cup cake.

8. Mascot. Kung magaling ka, magagawa mo ito at maraming magpapa-picture sa iyo. :)

9. Edward Cullen. Para hindi na kinakailangan pa mag-effort. Maglagay ng baby powder at glitter sa katawan. Makakatulong rin ang konting lipstick mula kay Nanay.

10. Isabella Swan. Kung mahaba ang buhok, mag-drugs ka lang. Pwede na 'yun. Kung walang drugs, maaaring huwag matulog ng dalawang araw.

11. Oblation. Mga Isko at Iska, moment ninyo 'to!